PSPS Alert
Public Safety Power Shutoffs (PSPS) may be necessary to protect communities. See the latest updates.

Ang aming tugon sa biglang paglitaw ng COVID-19

Dapat Tayong Magtulungan para Labanan ang COVID-19

Tinalakay ni Pedro J. Pizzaro, Pangulo at CEO ng Edison International, ang mga pinakahuling pagsusumikap na ginagawa ng estado at ng SCE upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19, at pinasasalamatan niya ang mga frontline worker sa kanilang pagtitiyaga at dedikasyon sa panahon ng krisis na ito.

Mag-click dito para tingnan ang mga karagdagang video kaugnay ng COVID-19.

Expose as Block
No
Add Horizontal line
Off

KUNIN ANG TULONG PINANSIYAL NA KAILANGAN NINYO

Hindi kailanman magbabago ang aming pangako sa aming mga customer kahit natapos na ang pansamantalang mga pang-emergency na hakbang sa pagtugon sa COVID-19.Makahanap ng akmang tulong na programa para sa inyo.

Kung nawalan kayo ng trabaho kamakailan o nagbago ang inyong kita, maaari kayong maging kwalipikado para sa isang pinababang rate ng kuryente sa pamamagitan ng aming mga programang CARE o FERA, kahit na tumatanggap na kayo ng mga benepisyo para sa pagkawala ng trabaho. May magkatulad na aplikasyon ang parehong programa at 2 minuto lang ang itatagal para mag-sign up nang walang kinakailangang karagdagang dokumentasyon.

Matuto pa tungkol sa mga proteksyong ito at iba pang serbisyo gamit ang Dokumento ng Kaalaman tungkol sa mga Proteksyon sa Customer:

English | Español | 한국어 | 中文 | TIẾNG VIỆT | Tagalog | فارسیى | عربى | Française | Deutsche | 日本語 | русский | հայերեն | ខ្មែរ | ਪੰਜਾਬੀ | Português | हिंदी | Hmong | Thai

 

Kung kayo ay isang maliit na negosyo, maaari rin kayong maging kwalipikado para sa suspendidong pagputol ng serbisyo para sa hindi pagbabayad at pag-aalis ng multa sa naantalang pagbabayad. Maaari rin kayong maging kwalipikado para sa CARES ACT Paycheck Protection Program, na magkakaloob ng 100% na pederal na garantisadong mga pautang sa maliliit na negosyo. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang aming page ng Mga Masasanggunian ng Maliit na Negosyo.

 

Kung nahaharap ka sa mga pinansyal na kahirapan o naghahanap ka lang ng mga paraan para makatipid sa panahon ng COVID-19 emergency, maaaring makatulong ang mga programa at tools na ito. Nag-aalok kami ng ilang opsyon sa tulong sa pagbabayad para sa aming mga customer, kabilang ang pagbibigay ng palugit at kaayusan sa pagbabayad para sa mga customer na mangangailangan ng dagdag na panahon para bayaran ang kanilang bill. Maaari mo ring bisitahin ang aming page para sa Tulong sa Pagbabayad ng Iyong Bill para malaman kung anu-anong opsyon ang magagamit mo.

Kung mayroon sa inyong tahanan na nangangailangang gumamit ng kagamitang medical o kasangkapang medical na pinapagana ng kuryente, maaari kayong magkwalipika sa aming programang Medical Baseline Allowance (Dagdag na Medical na Saligang Antas).

Alamin ang higit pa sa kung paano natutulungan ng SCE ang mga customer na pababain ang kanilang mga bill sa kuryente sa panahon ng COVID-19.

Nagtatrabaho ang aming mga pangkat na sama-sama o mga pod upang mabawasan ang panganib habang pinananatili ang kalayuan mula sa iba.

Dahil sa uri ng kanilang trabaho, kung minsan, hindi makapagpanatili ang mga tauhan ng aming mga pangkat ng kalayuan habang nagsasagawa ng mga pagkukumpuni. Tulad rin ng sa grupo ng inyong pamilya, o ng inyong sambahayan, nagkakatipon kayo subalit nananatiling malayo mula sa iba pang bahagi ng daigdig, gayundin ang ginagawang pakikipagtulungan ng aming mga tauhan. Kapag nagtatrabaho sa labas o sa alinmang kapaligirang mapapalapit sa iba, nagsusuot ang aming mga trabahador ng mga pantakip sa mukha saan man maaari. Tinitiyak namin na nakatugon ang tela ng mga pantakip sa mukha sa mga pamantayang pangkaligtasan kaugnay ng pagtatrabaho malapit sa mga kagamitang mataas ang boltahe.

Nagpapanatili rin ang mga tauhan ng kalayuan sa pamamagitan ng pagmamaneho nang magkakahiwalay kailanman posible.

Ang isa pang pag-iingat na aming ginagawa upang mabawasan ang panganib ay ang pagmamaneho ng magkakahiwalay na sasakyan kailanman maaaring magawa ang ganito. Ang kinalalabasan, maaaring mapansin ng mga customer na maraming sasakyan ng SCE sa mga lugar ng trabaho. Pansalamantala rin naming pinapayagan ang mga tauhan ng SCE at ang mga kailangang-kailangang tauhan na magmaneho ng mga sarili nilang sasakyan upang makapagsagawa ng negosyo ng kompanya. Upang makilala ang mga tauhan ng SCE habang nagtatrabaho, ipapakita ng mga empleyado ang kanilang mga badge na ID ng SCE kapag hiniling habang nagpapanatili ng isang ligtas na kalayuan.

Kung kakailanganin naming makipag-ugnayan sa inyo, tatawagan namin kayo.

Kailangang hindi lapitan ng mga customer ang mga tauhan at kailangang lumayo nang hindi na kukulang sa anim na talampakan para sa kaligtasan. Ang kaligtasan ng aming mga manggagawa, ng aming mga customer, at ng publiko ay nananatiling pinakamataas naming prayoridad.

Huwag magpaloko sa mga scam (pandaraya)

Sa kasamaang palad, dumami ang mga scam na pumupuntirya ng mga utility customer sa mga panahon ng kawalang katiyakan; hinihikayat namin kayong tawagan muna kami sa 1-800-655-4555 bago magsagawa ng anumang pagkilos, o kung naghihinala kayo tungkol sa anumang mga email o tawag na may kaugnayan sa COVID-19 na natatanggap ninyo mula sa mga tao na nagpapanggap na nagtatrabaho sa SCE. Hindi kami kailanman tatawag o mag-i-email sa inyo para humingi ng bayad at magbabantang putulin ang inyong serbisyo kapag hindi natanggap kaagad ang bayad. Alamin pa kung paano maiiwasan ang mga scam sa COVID-19.

Kailangang magpatuloy ang mga nakatakdang pagkawala ng kuryente

Bisitahin ang aming Sentro para sa Pagkawala ng Kuryente (Outage Center) para mag-ulat ng pagkawala ng kuryente, tingnan ang mga kasalukuyang pagkawala ng kuryente o suriin ang status ng isang nakaplanong pagkawala ng kuryente sa inyong lugar. Nagtatrabaho kaming mabuti upang i-reschedule o mabawasan ang epekto ng mga kritikal at kinakailangang pagkawala ng kuryente, lalong-lalo na sa mga bulnerableng customer, mga negosyo at iba pang kritikal na serbisyo na bahagi ng pagtugon sa paglaganap ng sakit.

 

Nangangahulugan ng paghahatid ng ligtas na maaasahang serbisyo na kailangang magtuloy-tuloy ang mga nakatakdang pinkamahalagang pagkawala ng kuryente, kahit pa sa panahong ito sa wala pang walang kahalintulad na COVID-19. Kasang-ayon ito ng Executive Order ni Gov. Newsom na “Manatili sa Tahanan”, kung saan kinikilala na dapat magpatuloy ang kailangang-kailangang trabaho ayon sa ipinagkahulugan ng Cybersecurity ng U.S. Department of Homeland Security at ng mga panuntunan ng Infrastructure Security Agency.

Inuuna namin ang mga mahahalagang trabaho na kailangan upang mapangalagaan ang aming mga komunidad mula sa banta ng mga napakalalaking sunog at upang makapagsagawa ng mga kailangang-kailangang pagkukumpuni, kahit pa ipinagpapaliban muna namin ang mga hindi naman gaanong kailangang-kailangang pag-a-upgrade. Maaaring makalikha ang pagpapaliban ng mahahalagang trabahong ito ng mas malaki at mas makasasamang mga panganib.

Hindi namin binabasta-basta lamang ang desisyon na ituloy ang pagkawala ng kuryente, at kumikilos ang aming mga pangkat upang paiiksiin ang tagal nito hangga’t maaari. Kailangang ituloy namin ang kailangang trabaho upang mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko pati pagbawas ng panganib ng napakalaking sunog. Ipagpapaliban namin ang hindi kritikal na trabaho na maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kuryente ng mga kustomer at susuriin ang bawat pagkawala ng kuryente ayon sa bawat kaso.

Sama-sama tayo dito

Upang matulungan ang mga taga-California na humaharap sa mga kahirapang kaugnay ng ekonomiya dahil sa mga quarantine, pag-aalaga sa mga miyembro ng pamilya o mga pagsasara ng paaralan at negosyo, nagkaloob ang Edison International ng donasyon na mahigit sa $1 milyon sa mga lokal na nonprofit na ang layunin ay magbigay ng mahahalagang serbisyo, pagkain at mga pangangailangan bilang tugon sa COVID-19.

Naglunsad rin ang mga empleyado ng Edison International ng COVID-19 Relief Fundraiser upang makatulong sa mga komunidad na naapektuhan ng pandemic. Sa pamamagitan ng mga handog ng mga empleyado na tinumbasan ng kompanya, higit pa sa $414,000 ang naibigay na handg upang maalalayan ang mga organisasyon o kompanyang nonprofit sa mga lugar na sinisilbihan ng SCE.

Batid namin na patuloy na magbabago ang mga bagay-bagay. Patuloy kaming naririto para sa inyo at pananatilihing mabibigyan kayo ng mga pinakahuling balita habang sama-sama nating hinaharap ang kagipitang ito.