Priyoridad namin na mapanatiling ligtas ang mga customer. Ang aming programang Critical Care Backup Battery (CCBB) ay nag-aalok ng mga libreng portable na backup na baterya na maaaring magpagana ng iyong mga medikal na device kapag nag-brownout o lumikas sa bahay dahil sa emergency.
I-check ang Status ng Pag-brownout
Tingnan ang mga kasalukuyang pag-brownout, mag-sign up para sa mga alerto sa status, o mag-report ng bagong pag-brownout.
Mga Karaniwang Tanong Tungkol sa Programa ng CCBB
Sino ang eligible na makilahok sa CCBB program?
Kung ikaw ay naninirahan sa isang lugar na may mataas na panganib ng sunog, kasalukuyang naka-enroll sa aming programang Medical Baseline Allowance, at nangangailangan ng paggamit ng mga kagamitang medikal na pinapagana ng kuryente o iba pang kwalipikadong medikal na device, eligible ka para sa programang Critical Care Backup Battery.
Kung nakipag-ugnayan sa iyo ang SCE tungkol sa programang ito, maaaring kwalipikado ka na. Para sa higit pang impormasyon, tawagan ang supplier na nakalista sa iyong notification o kontakin kami sa 800-736-4777.
Paano gumagana ang CCBB Program?
Tatawagan ka ng aming contractor para i-verify ang iyong pagiging eligible, tulungan kang pumili ng naaangkop na laki ng baterya para sa iyong mga kasalukuyang medikal na device at mag-iskedyul ng appointment para sa pag-deliver. Ang backup na kuryente ay maaaring pansamantalang magpagana ng mga device tulad ng nebulizer, motorized wheelchair charger, respirator, ventilator o ibang mga kwalipikadong medikal na device. Ibinibigay nang walang bayad ang pag-deliver, pag-set up, at pagsasanay kung paano gamitin ang baterya.
Anong mga kagamitan ang kasama bilang bahagi ng programa?
Nagbibigay kami ng portable, rechargeable, at clean-energy na backup na baterya na may tatlong taong warranty. Nag-aalok din kami ng solar panel kit para sa karagdagang kakayahan sa pag-charge.
Maaaring pansamantalang paganahin ng baterya ang mga kritikal na medikal na device at puwede itong i-charge sa pamamagitan ng pagsaksak nito sa isang regular na saksakan ng kuryente.
showmore_label="Ipakita ang disclaimer" showless_label="Itago ang disclaimer"
Ang programang Critical Care Backup Battery ("Programa") ay pinondohan ng mga consumer ng utilidad ng California at pinangangasiwaan ng Southern California Edison, sa ilalim ng patnubay ng California Public Utilities Commission. Maaaring may nalalapat na mga karagdagang paghihigpit at limitasyon sa programa. Ang mga serbisyo ay maaaring hindi available sa lahat ng lugar. Inaalok ang mga serbisyong ito nang first-come, first-served hanggang sa magamit ang funding o ihinto ang programa. Ang Programa ay maaaring mabago o magwakas nang walang paunang abiso. Ang mga mamimili sa California ay hindi obligadong bumili ng anumang serbisyo na may buong bayad o iba pang serbisyo na hindi pinopondohan ng programang ito. Parehong available ang programang ito sa mga may-ari ng bahay at nangungupahan. Maaaring kailanganin ng mga nangungupahan na kumuha ng nakasulat na pahintulot mula sa may-ari ng ari-arian bago maibigay ang mga serbisyo.
[/ipakita pa]