Manatiling Ligtas

Ang kaligtasan ang aming pangunahing priyoridad sa SCE. Bagama't pinapabuti ng kuryente ang ating buhay, mayroon pa ring mga potensyal na panganib. Ginagawa namin ang lahat ng pag-iingat para protektahan ang aming mga customer, komunidad, at empleyado. Manatiling may alam sa pamamagitan ng mga tip para manatiling ligtas kapag gumagamit ng kuryente sa mga proyekto sa bahay, lugar ng trabaho, at sitwasyon araw-araw na maaaring harapin mo. 
 

Mga Numerong Pangkaligtasan na Dapat Tandaan

Para sa elektrikal na emergency, tulad ng mga naputol na linya ng kuryente, tumawag sa 911.
Para mag-report ng brownout o panganib sa pampublikong kaligtasan, kabilang ang bagay na naipit sa mga linya ng kuryente, tumawag sa 1-800-611-1911.
Bago magputol ng mga puno sa palibot ng mga linya ng kuryente, tumawag sa 1-800-611-1911.

Pinopondohan ng mga ratepayer ang mga pampublikong komunikasyon tungkol sa kaligtasan sa kuryente.