Mga Abiso sa Privacy

Mahalaga sa Southern California Edison (SCE) na protektahan ang iyong Personal na Impormasyon. Gustong ipaalam sa iyo ng SCE kung paano namin kinokolekta, ginagamit, ibinabahagi, at sino-store ang iyong Personal na Impormasyon. Ang Personal na Impormasyon ay nagmumula sa aming mga pakikipag-ugnayan sa negosyo sa iyo, kabilang ang komunikasyon sa pamamagitan ng computer o mobile device mo, o bilang customer ng SCE sa pamamagitan ng aming Advanced Metering Infrastructure. Gusto din naming ipaalam sa iyo kung paano kami sumusunod sa California Consumer Privacy Act (CCPA).

Para makatulong na mapanatiling secure ang iyong Personal na Impormasyon, regular kaming nakikipag-usap at nagtuturo sa mga empleyado ng SCE tungkol sa mga karapatan mo sa privacy. Ipinapatupad din ng SCE ang seguridad ng impormasyon at mga pananggalang sa cybersecurity para maprotektahan ang Personal na Impormasyon na nasa aming pangangalaga.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano nakatuon ang SCE sa pagprotekta sa Personal na Impormasyon, kumonsulta sa mga link sa ibaba.