Suporta para sa Mga Customer na may Pangangailangan sa Access at Function.
Nag-aalok kami ng mga mapagkukunan at suporta para matugunan ang iba't ibang pangangailangan ng aming mga customer sa panahon ng mga pag-brownout dahil sa Public Safety Power Shutoff (PSPS).
Accessible Hazard Alert System
Ang website ng Accessible Hazard Alert System (AHAS) ng SCE ay nag-aalok ng mga notification sa PSPS at impormasyon sa paghahanda sa mga accessible na format para sa mga taong Bulag, Malabo ang Paningin, Bingi, May Kahirapan sa Pandinig, o Bingi't Bulag.
.
Tiyakin ang Mga Alerto sa Pag-brownout ng PSPS
Kung sakaling magkaroon ng PSPS, ipapaalam namin sa iyo sa pamamagitan ng mga maagang abiso ng babala, kung posible, bago patayin ang kuryente. Pakisiguradong updated ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa online na account mo para matiyak na maaabot ka namin sa panahon ng mga pag-brownout, at pakipili kung gusto mong matanggap ang mga notification na ito sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono, alerto sa text, o email.
Pag-certify ng Sarili
Kung may isang tao sa iyong sambahayan na may kondisyon na maaaring malubhang maapektuhan ng interupsyon ng kuryente sa panahon ng pag-brownout, o pagkadiskonekta dahil sa hindi pagbabayad ng bill, maaari mong i-self-certify ang iyong account para maabisuhan ka ng SCE bago patayin ang kuryente mo. Ang status ng pag-certify ng sarili ay valid sa loob ng isang (1) taon.
Kung sakaling magkaroon ng PSPS, ang pag-certify ng sarili ay nangangahulugang susubukan naming makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng gusto mong paraan ng pagkontak (email, text, o voice call). Kung hindi ka namin direktang makontak, magpapadala kami ng technician sa iyong tahanan para subukang makipag-ugnayan nang personal para maihatid ang mensahe tungkol sa interupsyon.
Mga Programa at Referral sa Tulong sa Komunidad
Kung kailangan mo ng karagdagang tulong bago, habang, at pagkatapos ng pag-brownout dahil sa PSPS, nag-aalok ang 211 ng mga libre at kumpidensyal na serbisyo para sa mga customer ng SCE na nagkokonekta sa iyo sa tulong sa komunidad, paghahanda sa emergency, pantry ng pagkain o mga programa sa paghahatid ng pagkain, pati na rin sa transportasyon, pampublikong tulong, at iba pang serbisyo. Available ang 211 nang 24 na oras bawat araw, pitong araw bawat linggo. Mag-set ng iyong appointment para sa paghahanda sa emergency sa 211now.com/sceprep, sa pamamagitan ng pagtawag sa 211 o pag-text ng “PSPS” sa 211211. Para sa serbisyo ng video relay, i-dial ang 1-866-346-3211.