Kapag may dumating na mga sakuna, may nakalaang Customer Support Team ang SCE para tulungan ang mga apektadong customer.
Kung naapektuhan ka ng isang sakuna, nandito ang SCE para tumulong. Mangyaring tawagan kami sa 1-800-250-7339 mula 7 a.m. hanggang 7 p.m. Lunes hanggang Biyernes, o tuwing Sabado mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.
Suporta para sa Mga Customer na Apektado ng Malaking Sakuna
Sa SCE, nakikipagtulungan kami sa mga customer na apektado ng malalaking sakuna para tulungan silang makabangon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kaayusan sa pagbabayad kung kinakailangan, pagtulong sa pagtatatag ng serbisyo sa mga pansamantalang lokasyon, pagtiyak na makakatanggap ng kinakailangang impormasyon bilang suporta ang aming mga customer na kwalipikado ayon sa kita, at pagpapabilis ng muling pagtatayo kasama ng isang nakatuong Service Planning team.
Kung naapektuhan ka ng mga wildfire ng Palisades o Eaton, bisitahin ang aming page ng Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery) para sa impormasyon tungkol sa mga programa, rebate, at nakatuong resource para matulungan ka.
Mga Arrangement sa Pagbabayad (Payment Arrangements)
Kung nakakaranas ka ng pansamantalang problemang pinansyal dahil sa sakuna, maaari mong ipagpaliban muna ang pagbabayad hanggang sa ibang petsa. Maaari mong i-set up ang iyong mga arrangement sa pagbabayad online sa pamamagitan ng Account Ko o sa pamamagitan ng pagtawag sa amin sa 1-800-250-7339.
Magsumite ng Claim
Kung kailangan mong maghain ng claim, nandito kami para magbigay ng patnubay at suporta sa bawat hakbang ng proseso. Tumawag sa amin sa 1-800-251-3311 o isumite ang iyong claim online.
Alamin Pa ang Tungkol sa Mga Claim
Suporta para sa Mga Customer na Kwalipikado Ayon sa Kita
Sa panahon ng malaking sakuna, sa pagsisikap na i-assist ang mga customer ng Mga Alternatibong Rate sa Energy ng California (California Alternate Rates for Energy o CARE) na maaaring maapektuhan, pini-freeze namin ang lahat ng pag-verify ng kita. Gayundin, kakanselahin ang anumang nakabinbing pag-verify para sa mga customer sa mga apektadong lugar. Para sa impormasyon kung paano maging kwalipikado para sa CARE, mangyaring tumawag sa 1-800-251-3311.
Dagdag pa rito, ang Energy Assistance Fund (EAF) ay naka-commit sa pagbibigay ng kritikal na suporta sa pagtulong sa mga customer na bayaran ang kanilang bill ng kuryente kapag pinakakailangan nila ito.
Ang aming nakatuong staff ng suporta ay nandito para tumulong na malampasan ang mahihirap na epekto na nararanasan ng aming mga customer dahil sa mga sakuna. Nilo-look forward namin ang pag-a-assist sa mga apektado.
Suporta para sa Mga Customer na may Net Energy Metering (NEM) at Solar Billing Plan (SBP)
Kung isa kang customer na may Residential NEM o SBP na naapektuhan ng malaking sakuna, kung saan may idineklarang state of emergency, at nagpasya kang itayong muli ang renewable generation system mo, posibleng manatili ang iyong orihinal na taripa at ma-waive ang mga fee sa aplikasyon kung matutugunan mo ang mga kinakailangang ito:
- Inabisuhan mo kami tungkol sa iyong layunin na muling magtayo sa loob ng 2 taon mula sa petsa na naganap ang malaking sakuna; AT
- Nakumpleto mo ang muling pagtatayo ng iyong renewable generation system at nagsumite ka ng bagong aplikasyon para sa interconnection sa loob ng 4 na taon mula sa petsa na naganap ang malaking sakuna.
Para ipaalam sa amin ang balak mong itayong muli ang iyong renewable generation system, kumpletuhin ang Disaster Support Form na ito.
Kung mayroon kang mga karagdagang tanong, pakikontak kami sa: customer.generation@sce.com.
Mga Karagdagang Resource
- fire.ca.gov - Opisyal na website para sa California Department of Forestry and Fire Protection.
- readyforwildfire.org - Website ng paghahanda sa wildfire ng CAL FIRE.
- redcross.org - Website ng assistance sa sakuna ng American Red Cross
- caloes.ca.gov - website ng Tanggapan ng Mga Pang-emergency na Serbisyo ng Gobernador ng California
- ready.gov - Impormasyon sa paghahanda sa kalamidad mula sa Kagawaran ng Seguridad sa Lupang Tinubuan ng Estados Unidos (US Department of Homeland Security)