
Humingi ng Tulong Kung Gumagamit Ka ng Medikal na Kagamitan
Kung nangangailangan ka o ang isang tao sa iyong sambahayan ng regular na paggamit ng de-kuryenteng medikal na kagamitan o iba pang kwalipikadong medikal na device, maaaring kwalipikado ka para sa aming programang Medical Baseline Allowance. Nagbibigay ang programang ito ng karagdagang 16.5 killowatt-hours (kWh) ng kuryente kada araw. Makakatulong itong bawasan ang gastusin sa paggamit ng medikal na kagamitan kung nasa pinakamababang batayang rate.
Ang Proseso ng Aplikasyon
Alamin Kung Kwalipikado Ka
Maaaring kwalipikado ka para sa Medical Baseline Allowance kung ikaw o ang isa pang full-time na nakatira sa iyong tahanan ay:
- Nangangailangan ng regular na paggamit ng de-kuryenteng medical/life support na kagamitan (tingnan ang partial na listahan sa ibaba) na mekanikal o artipisyal na umaalalay sa buhay o nagpapanumbalik o humahalili sa mahalagang pisikal na pagkilos, kabilang ang paggalaw, at/o
- Sensitibo sa temperatura at nangangailangan ng aircon, at/o
- May malubhang sakit o mahinang immune system o iba pang kondisyon na nangangailangan ng pagpapainit at/o pagpapalamig ng kapaligiran.
Kung kwalipikado ka o ang isang tao sa iyong tahanan, tawagan kami sa 1-800-655-4555 habang tinatapos mo ang proseso ng aplikasyon, at itatala namin sa iyong account na mayroong residente sa iyong address na gumagamit ng kwalipikadong medikal na device.
I-download at i-print ang brochure: Ingles, at Ingles (Malaking Titik)
Listahan ng Ilang Kwalipikadong mga Medikal na Device
Hindi kwalipikado ang mga device na kinakailangan para sa therapy pero hindi medikal na kinakailangan para sa pag-alalay sa buhay.
|
|
Mga Magpagpipiliang Wika na Available para sa mga Brochure ng Medical Baseline Allowance
I-download at i-print ang brochure:
Magsumite ng Aplikasyon
- Mag-enroll Online* Para sa mga customer na nag-enroll online, mangyaring ihanda ang email address ng iyong Medical Professional. Kapag isinumite mo ang iyong aplikasyon, makakatanggap sila ng email na humihiling ng kanilang pirma. Mangyaring ipaalam sa kanila na makakatanggap sila ng email mula sa SCE.
- Para sa mga customer na hindi makakapag-enroll online, paki-download ang aplikasyon na nasa ibaba, i-print, at kumpletuhin ang pahina 1 at 2, at i-mail ang aplikasyon sa SCE.
*Mula Hulyo 1, 2021, kailangang mong papirmahan ang pahina 2 sa isang Medical Professional. May opsyon kang papirmahan ito nang elektroniko o i-mail ito.
I-download at i-print ang aplikasyon: Ingles
I-mail ang nakumpletong aplikasyon sa:
Southern California Edison Company
Medical Baseline Department
P.O. Box 9527
Azusa, CA 91702-9954
Mga Magpagpipiliang Wika na Available para sa mga Aplikasyon sa Medical Baseline Allowance
I-download at i-print ang aplikasyon:
Magpakumpirma Kada 1 hanggang 2 Taon
Kung kinumpirma ng isang medikal na propesyonal na permanente ang kondisyon, dapat kumpletuhin ng customer ang Bahagi 1 ng aplikasyon kada dalawang taon para ma-renew.
Kung kinumpirma ng isang medikal na propesyonal na hindi permanente ang kondisyon, dapat kumpletuhin ng customer ang Bahagi 1 taon-taon at dapat isumite ng doktor ang Bahagi 2 kada dalawang taon.
Mga Emergency at Halinhinang mga Pag-brownout
Dapat laging maging handa ang lahat ng customer na umaasa sa de-kuryenteng medikal o life support na kagamitan para sa kaligtasan gamit ang back-up power system o iba pang planong kinakailangan para masiguro ang kanilang kalusugan at kapakanan sa panahon ng mga pag-brownout. Hindi naglalaan ang SCE ng back-up generation.
Kapag nagdeklara ang California Independent System Operator (CAISO) ng bihirang Stage 3 Emergency at nagsagawa ng mga halinhinang pag-brownout, awtomatiko kaming makikipag-ugnayan sa mga customer ng Medical Baseline gamit ang paunang narekord na mensahe sa telepono. Posibleng makatanggap kami ng 10-minutong babala lang, kaya maaaring hindi malaman ng mga customer ang pag-brownout bago pa ito mangyari.
Kapag nangyari ang Public Safety Power Outage (PSPS), susubukan naming makipag-ugnayan sa mga customer ng Medical Baseline sa pamamagitan ng kanilang alternatibong mas gustong paraan ng pakikipag-ugnayan ((Email, Text, SMS, TTY). Kapag tinukoy ng iyong doktor na ang iyong medikal na kagamitan ay para sa mga layunin ng pag-alalay sa buhay at hindi kami direktang nakipag-ugnayan sa pamamagitan ng iyong mas gustong paraan ng pakikipag-ugnayan, magpapadala kami ng technician sa iyong tahanan para personal na makipag-ugnayan at ihatid ang mensahe tungkol sa kaganapang PSPS.
Para i-update ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan o kanselahin ang iyong mga notipikasyon, mangyaring tumawag sa amin sa 1-800-655-4555. Para sa TTY na serbisyo, mangyaring tumawag sa 1-800-352-8580.
Mga Tip sa Paggawa ng Back-Up na Plano para sa Emergency.
- Makipag-ugnayan sa ospital o medikal na kompanya na nagbigay sa iyong life-support na device upang bumuo ng back-up na plano. Maaaring mag-alok sila ng mga espesyal na serbisyo sa panahon ng isang emergency.
- Makipag-ugnayan sa iyong lokal na tanggapan ng mga serbisyong pang-emergency para malaman kung mayroon silang listahan ng mga customer na may mga espesyal na medikal na kinakailangan.
- Laging magtabi ng mga matatawagang numero ng telepono kapag may emergency na madaling makukuha, pati na ang pangalan ng iyong doktor at kompanya ng medikal na kagamitan.
- Bumuo ng plano para sa pag-alis sa iyong tahanan kung sakaling magtagal pa ang brownout at ibahagi ang planong ito sa iyong kapamilya at mga kaibigan.
- Panatilihing ganap na naka-charge ang cellphone o maghanda ng ekstrang baterya na magagamit kaagad.
- Para sa higit pang tip para sa plano sa emergency, mangyaring bisitahin ang www.redcross.org.
Magkaroon pa ng higit pang pangkaligtasang tip kapag may brownout >
Kailangan ng Karagdagang Tulong?
Mangyaring tumawag sa 1-800-655-4555 kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa Medical Baseline o kung hindi natutugunan ng karaniwang allowance ang iyong mga medikal na pangangailangan.