Natukoy na Hindi Sinusuportahang Browser
Hindi na sinusuportahan ang bersyon na ito ng .Hindi gagana ang page gaya ng nilalayon.Upang tingnan ang impormasyon sa page na ito kakailanganin mong gamitin ang pinakabagong bersyon ng Safari, Google Chrome, Firefox, o Microsoft Edge.
Resulta ng Paghahanap
Matutulungan ka naming makuha ang mas tumpak na datos ng pag-brownout para sa iyong lokasyon gamit ang kunti pang impormasyon. Mangyaring gamitin ang form na ito upang makita ang detalyadong mga resulta para sa kasalukuyang mga pag-brownout.
Bakit Kailangan Kong Malalaman ang Aking Numero ng Grupo para sa Rotating na Pag-brownout?
Pangunahing mga pagkawala ng kuryente
Kasalukuyang apektado ang SCE ng maraming pag-brownout.
Puntahan ang Pangunahing mga pagkawala ng kuryente page para sa higit pang detalye.
Hindi Nakikita ang Pag-brownout sa Inyo?
Huling Na-update: Hindi Available
Mga Alerto sa Pag-brownout
Laging alamin ang tungkol sa mga hindi nakaplanong pagkukumpuni at mga nakaplanong mga pagmementinang pag-brownout.
Suporta ng Komunidad
Available ang Mga Sentrong Mahihingan ng Tulong ng Komunidad ng SCE upang alalayan ang mga customer sa panahon ng Pagpapatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko.... higit pa. Mayroong Mga Sasakyan ng Tauhan sa Komunidad at Mga Sentrong Mahihingan ng Tulong ng Komunidad ng SCE (SCE Community Crew Vehicles at Community Resource Centers) upang alalayan ang mga costumer sa panahon ng isang Pagpapatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko. Nagbibigay kami ng access sa aming pangkat ng serbisyo sa costumer, pati na rin ng Mga Resiliency Kit para sa Customer, na may kasamang impormasyon sa PSPS, simpleng miryenda, tubig, mga maliliit na resiliency device, at personal na kagamitang panpangangalaga. Ang mga detalye sa lokasyon at oras ng operasyon ay karaniwang ina-update isang araw bago ang anumang posibleng kaganapang PSPS. Alamin pa dito ang tungkol sa karagdagang masasanggunian at programa upang matulungan kang maghanda sa mga emergency at pag-brownout. Sumusunod ang SCE sa umiiral na panuntunan para sa COVID-19 na binigay ng mga lokal at estadong ahensiya ng kalusugan. mas kaunti
Tingnan ang Lahat ng Sentro ng Mahihingan ng Tulong ng Komunidad
Available ang mga Sasakyan ng Tauhan ng Komunidad ng SCE para alalayan ang mga customer sa panahon ng Pagpapatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko... higit pa. Mayroong Mga Sasakyan ng Tauhan sa Komunidad at Mga Sentrong Mahihingan ng Tulong ng Komunidad ng SCE (SCE Community Crew Vehicles at Community Resource Centers) upang alalayan ang mga costumer sa panahon ng isang Pagpapatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko. Nagbibigay kami ng access sa aming pangkat ng serbisyo sa costumer, pati na rin ng Mga Resiliency Kit para sa Customer, na may kasamang impormasyon sa PSPS, simpleng miryenda, tubig, mga maliliit na resiliency device, at personal na kagamitang panpangangalaga. Ang mga detalye sa lokasyon at oras ng operasyon ay karaniwang ina-update isang araw bago ang anumang posibleng kaganapang PSPS. Alamin pa dito ang tungkol sa karagdagang masasanggunian at programa upang matulungan kang maghanda sa mga emergency at pag-brownout. Sumusunod ang SCE sa umiiral na panuntunan para sa COVID-19 na binigay ng mga lokal at estadong ahensiya ng kalusugan. mas kaunti
Ang mga mapagkukunan ng tulong sa ibaba ay maaaring makatulong sa mga customer na nangangailangan ng pag-access sa kuryente sa panahon na may isang kaganapang PSPS kasama ang panahon kung kailan hindi bukas ang CRC:
Diskwentong Programa sa Hotel ng SCE - Maaaring makakuha ng mga espesyal na rate sa mga kalahok na hotel ang mga customer na nakakaranas ng pinalawig na brownoutat mag-charge ng mga personal na elektronikong device sa oras ng kanilang pananatili
2-1-1 - Tumawag sa 211 o i-text ang "PSPS" sa 211211. Ang 211 ay isang libreng 24/7 na kumpidensiyal na serbisyo na nagbibigay ng impormasyon at mapagkukunan ng tulong para matugunan ang iba't ibang pangunahing pangangailangan, kasama ang pansamantalang tirahan, pagkain, transportasyon, at pangangalagang pangkalusugan.
Ang Mapa ng Kamalayan sa Pag-brownout ng SCE - Maaaring i-type ng mga costumer ang address na nagnanais malaman kung apektado ba ng PSPS ang isang partikular na address o lugar sa address search box na nasa taas ng webpage na ito.
Ano ang iba't ibang uri ng pag-brownout?
Pag-brownout dahil sa Pagkukumpuni
Isang pag-brownout na dulot ng hindi inaasahang mga pangyayari, tulad ng mga aksidente sa trapiko o matinding panahon. Inaayos namin nang mabilis ang mga pag-brownout na ito.
Pag-brownout dahil sa Pagmementina
Isang naka-iskedyul na pag-brownout na nangyayari kapag pinatay namin ang kuryente para sa mga pag-upgarde ng kagamitan Aabisuhan ka namin nang maaga kung maaapektuhan ka ng Pag-brownout dahil sa Pagmementina.
Relyebong Pagkawala ng Kuryente
Isang napakabihirang, kontroladong pag-brownout na isinasagawa namin bilang huling paraan kapag may idineklarang Stage 3 Emergency. Minsan tinatawag itong "rolling blackout.
Pagpapatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko (Public Safety Power Shutoff, PSPS)
Sa oras ng mga kaganapang PSPS, maagap naming pinapatay ang kuryente upang makatulong na mabawasan ang peligro ng pagkakaroon ng mga wildfire. Pangunahing isasagawa ang mga pangyayaring ito sa oras ng matitindi at posibleng mapapanganib na kondisyon ng panahon. Ang pagpatay sa kuryente ng aming customer ay hindi isang bagay na basta na lang namin ginagawa, at isinasaalang-alang namin ang ilang salik bago namin gawin ang desisyong ito.
Nilalayon naming abisuhan ang mga apektadong customer nang humigit-kumulang 48 oras bago pa mangyari ang posibleng PSPS na kaganapan at susubukan naming abisuhang muli ang mga customer nang humigit-kumulang 24 na oras bago patayin ang kuryente. Magpapadala ng karagdagang abiso sa panahon ng pag-brownout, kapag pinatay ang kuryente at kapag naibalik na ito ulit. Maaaring ipadala ang mga abiso sa pamamagitan ng kombinasyon ng tawag sa telepono, text, sce.com, email at social media. Maaaring may mga sitwasyon na humahadlang sa amin sa pagbibigay ng advance na paunawa nang dahil sa matitinding kondisyon ng panahon at iba pang pangyayari na wala kaming kontrol.
Kasalukuyang Status ng PSPS
Kapag mayroong mataas na panganib ng pagkakaroon ng wildfire, maaaring pansamantala naming patayin ang kuryente sa iyong kapitbahayan upang maiwasang pagmulan ng pagsiklab ang aming sistemang elektrikal.
Mga Kasalukuyang Pagpatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko
- Ng 5 milyong customer ng SCE:
- 0 (0%)
Mga Isinasaalang-alang na Pagpatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko
- Ng 5 milyong customer ng SCE:
- 0 (0%)
Last Visit: . To see the most recent number of impacted customers, please refresh this page.
Mga Tatandaan:
- Regular na nagbabago ang mga kalagayan ng lugar at panahon. Maaaring makaranas ng paminsan-minsang pagkaalanta ang real-time na datos. Mangyaring bumalik para sa mga update sa mga lugar na kamakailan lamang naapektuhan.
- Ang bilang ng costumer ay nakabatay sa mga circuit ng county. Kung ang isang circuit ay lalampas pa sa isang county, bibilangin ang mga costumer sa bawat county. Maaari itong magresulta sa isang labis na bilang. Magkakaroon ng panghuling bilang pagkatapos ng kaganapan dito.
Naabisuhan ka ba tungkol sa matitinding lagay ng panahon na magkasunog?
Batay sa ilang salik, kasama ang tinatayang matitinding lagay ng panahon, maaaring kailangan naming magpatupad ng Public Safety Power Shutoff (Pagpatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko, PSPS) at preemptive na pagpatay ng kuryente sa iyong lugar para mabawasan ang peligro ng pagkakaroon ng mga wildfire.
Suriin ang Status ng Pag-brownout dahil sa Pagmementina
Kung nakatanggap ka ng abiso mula sa amin tungkol sa pag-brownout sa iyong lugar, ilagay ang iyong Numero ng Pag-brownout sa ibaba. Makikita mo ito sa iyong abiso.