Sa pangkalahatan, responsibilidad namin ang mga kawalan na nangyari dahil sa aming pagpapabaya. Gayunpaman, sa maraming pagkakataon, HINDI namin responsibilidad ang mga pagkawala ng kuryente, mga pagtaas-baba ng boltahe, kawalan o pagkasira ng pagkain, o pinsala sa ari-arian na nangyari dahil sa mga puwersang labas na sa aming kakayahang makontrol, tulad ng mga lindol at mga kondisyong kaugnay ng panahon tulad ng hangin, ulan, makapal na ulap (fog), kidlat, o matinding init.
Naninindigan kami sa pagbibigay ng isang tuloy-tuloy at sapat na tustos ng kuryente sa aming kustomer, at sa pag-iwas sa anumang kakulangan o paghinto sa paghahatid ng serbisyo. Gayunpaman, wala kaming responsibilidad sa paghinto ng o sa kakulangan sa tustos, maging sa anumang naidulot na kawalan o pinsala, kung ang naturang paghinto o kawalan ay resulta ng anumang sanhi na lampas sa kakayahin naming kontrolin.
Para sa kumpletong teksto ukol sa paghinto ng o sa kakulangan sa tustos, bisitahin ang Tuntunin 14 sa Taripa (Tariff Rule 14) – Kakulangan sa Tustos at Paghinto ng Paghahatid (Shortage of Supply and Interruption of Delivery).