Kapag mayroong mataas na panganib ng pagkakaroon ng wildfire, maaaring pansamantala naming patayin ang kuryente upang maiwasang pagmulan ng pagsiklab ang aming sistema ng kuryente. Tingnan ang interaktibong mapa sa ibaba upang mahanap ang mga apektadong lugar gayundin ang mga lokasyon ng aming Mga Sasakyan ng Community Crew at Mga Sentro ng Mahihingan ng Tulong sa Komunidad.
Pagpatay ng Kuryente Para sa Pampublikong Kaligtasan - Apektado Ba Ako?
Kapag mayroong mataas na panganib ng pagkakaroon ng wildfire, maaaring pansamantala naming patayin ang kuryente upang maiwasang pagmulan ng pagsiklab ang aming sistema ng kuryente. Tingnan ang interaktibong mapa sa ibaba upang mahanap ang mga apektadong lugar gayundin ang mga lokasyon ng aming Mga Sasakyan ng Community Crew at Mga Sentro ng Mahihingan ng Tulong sa Komunidad.
Tingnan ang Mga Apektadong Lugar
Nakakaranas ng brownout? Mag-click DITO upang makahanap ng mga diskuwento sa hotel (sa mga kalahok na hotel) para sa mga customer na nakakaranas ng pinalawig na brownout.
Update ng PSPS: Dahil sa malakas na mapaminsalang hangin, maraming customer ang nasa ilalim ng pagsasaalang-alang para sa PSPS ang kasalukuyang walang kuryente nang dahil sa mga pang-emergency na brownout na nauugnay sa panahon. Kung wala kayong kuryente at hindi ito kasamang ipinapakita sa mapa, pakibisita ang aming Mapa ng Pag-brownout para sa higit pang impormasyon.
Maglagay ng address, county, zip code, o lugar para malaman kung ito ay apektado.
Pagpapatay ng Kuryente
Mga Lugar na May Mataas na Panganib na Magkasunog
Tandaan: Maaaring i-off nang dahil sa kaganapang Pagpapatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko ang (mga) circuit na wala sa Lugar na na May Mataas na Panganib na Magkasunog na sinisilbihan sa pamamagitan ng isa o higit pang circuit na tumatawid sa Lugar na May Mataas na Panganib na Magkasunog.
Mga Sasakyan ng Community Crew
Mga Sentro ng Mahihingan ng Tulong sa Komunidad
Kung pinatay ang kuryente ninyo, ibabalik namin ang kuryente sa sandaling ipahihintulot ito ng lagay ng panahon, at nainspeksyon na ng mga crew ang mga linya ng kuryente upang makumpirma na ligtas nang ibalik ang kuryente. Para sa status ng pagkawala ng kuryente, mangyaring mag-sign up upang makatanggap ng mga alerto, o tawagan ang 1-800-655-4555.
Upang makaalam pa tungkol sa PSPS, mangyaring mag-scroll pababa sa pahinang ito para sa detalyadong impormasyon tungkol sa mga notipikasyon sa customer, paano mag-sign up para sa mga update, at kung paanong maghanda.
Sa panahon ng isang kaganapang Pagpapatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko, maaaring may ilang mga kustomer na nasa loob ng mga binigyang-diing hangganan na hindi naapektuhan.
Hindi nakikita ang pag-brownout sa inyo? Tingnan ang aming Mapa para sa Karaniwang Brownout
Kasalukuyang Status ng PSPS
Nakapatay ang Kuryente
- Ng 5 milyong customer ng SCE:
- 0 (< 1%)
Isinasaalang-alang ang Pagpatay ng Kuryente
- Ng 5 milyong customer ng SCE:
- 4,025 (< 1%)
Pansinin
1) Habang regular naming isinasapanahon ang listahan ng mga naapektuhang county, ang mga datos sa mismong panahon ay maaaring maantala o kulang sapagkat palagiang pabago-bago ang mga kondisyon sa labas pati na ang kalagayan ng panahon.
2) Ang mga pagbibilang ng mga customer ay kinakalkula kada circuit o linya ng kuryente sa loob ng bawat county. Kung ang isang linya ng kuryente ay nasa dalawa o higit pang mga county, ang mga customer ay bibilangin sa bawat county, na magreresulta sa isang labis na pagkabilang. Ang mga katapusang bilang para sa bawat kaganapan ay makikita sa pag-uulat pagkatapos ng naturang kaganapan, na makikita dito
Mga Mapagkukunan ng Kustomer sa Panahon ng isang PSPS
Mayroong mga Sasakyan ng Community Crew ng SCE at Mga Sentrong Mahihingan ng Tulong sa Komunidad upang suportahan ang mga customer sa mga panahon ng Pagpatay ng Kuryente para sa Pampublikong Kaligtasan. Nagpapatupad tayo ng mga kasanayan sa physical distancing at nagbibigay ng Mga Customer Resiliency Kit, na may kasamang impormasyon sa PSPS, magaang merienda, tubig, maliliit na resiliency device, at personal protection equipment. Hinihiling namin na magsuot ng mga mask ang mga customer at magpatupad ng physical distancing. Para sa mga detalye tungkol sa aming mga programa at sanggunian upang matulungan kang maghanda para sa mga emerhensiya o pagkawala ng kuryente, maglick dito.

Mga Sasakyan ng Community Crew

Mga Sentro ng Mahihingan ng Tulong sa Komunidad
Pagpatay ng Kuryente para sa Kaligtasan sa Wildfire
Kapag potensyal na mapanganib ang lagay ng panahon sa mga lugar na malaki ang tyansang magkasunog, maaari kaming magsagawa ng kaganapang PSPS. Sa panahon ng mga kaganapang ito, maaari naming patayin ang kuryente bilang pagtugon sa isang pangangailangan sa mga lugar na may mataas na panganib ng sunog upang mabawasan ang banta ng pagkakaroon ng mga wildfire. Batid naming lumilikha ng mga kahirapan ang mga kaganapang PSPS para sa aming mga customer at mga komunidad, lalo na sa nagtatrabaho at nag-aaral mula sa tahanan nang dahil sa pandemyang COVID-19. Napakinggan namin ang malinaw na mensahe mula sa aming mga customer, regulator, opisyal ng gobyerno, at mga partner sa pampublikong kalusugan na kailangang gumawa ang kompanya nang higit pa para mabawasan ang pangangailangan para sa PSPS. Kasalukuyan naming tinitingnan ang mga pagkakataong mapabilis ang grid hardening para mabawasan ang pangangailangan para sa mga kaganapang PSPS at panganib ng pagkakaroon ng mga wildfire.
Mga Kaugnay na mga Link
- Kaligtasan kung may Napakalaking Sunog
- Mga Pagsisikap sa Pagbawas ng Wildfire
- Mga Alerto sa Pagkawala ng Kuryente ng PSPS
- Ang Panahon at ang PSPS
- Mga Kaganapan para sa Kaligtasan ng Komunidad
- Mga Mapagkukunan ng Impormasyon at Suporta para sa Customer
- Pagbabawa ng Napakalaking Sunog at mga Dokumento ng Kaalaman tungkol sa PSPS
- Listahan ng Mga Madalas na Maapektuhang Circuit ng 2020
Paano Gumagana Ang Mga Kaganapang PSPS?
Kapag ipinahihiwatig ng mga forecast ang matitinding lagay ng panahon, sisimulan nating tasahin ang potensyal na epekto sa mga apektadong lugar. Susuriin natin ang mga makasaysayan datos upang makatulong sa panghuhula ng tyansang magkaroon ng wildfire, malapitan nating susubaybayan ang mga alerto sa pagbabantay ng panahon mula sa National Weather Service (NWS), at aalertuhan natin ang mga tagatugon sa insidente, kung kinakailangan.
Alamin ang tungkol sa papel na ginagampanan ng panahon sa PSPS.
Basahin ang aming fact sheet sa Mga Dahilan sa Pagdedesisyon para sa PSPS upang makaalam pa. Tingnan ang Action Plan ng PSPS ng SCE para sa detalyadong mga update tungkol sa aming pagpaplano para sa PSPS at mga pagsisikap para mapigilan ito.
Timeline ng Notipikasyon ng PSPS

Pagpaplano at Pagsubaybay
- 4-7 Araw Nang Mas Maaga: Kapag may nakikita tayong paparating na matitinding lagay ng panahon, nagsisimula na tayong magplano para sa potensyal na PSPS.
- 3 Araw Nang Mas Maaga: Magpapadala tayo ng mga paunang notipikasyon tungkol sa posibleng pagpatay ng kuryente sa mga lokal na pamahalaan at pamahalaang pangkatutubo, mga opisyal ng emerhensiya, mga unang tagatugon, mga ospital, at iba pang kritikal na imprastruktura at tagapagkaloob ng serbisyo.
- 2 Araw Nang Mas Maaga: Magpapadala tayo ng mga paunang notipikasyon sa mga customer, at mga update na notipikasyon sa mga lokal na pamahalaan at ahensiya.
- 1 Araw Nang Mas Maaga: Magpapadala tayo ng mga update na notipikasyon kasama ng anumang updated na impormasyon sa oras.
- 1-4 na Oras nang Mas Maaga: Sa tuwing posible, magpapadala tayo ng mga notipikasyon na papatayin ang kuryente.

Pagkawala at Pagbabalik ng Kuryente
- Pagpatay ng Kuryente: Magpapadala tayo ng mga notipikasyon na pinatay na ang kuryente.
- Paghahanda para sa Muling Pagbubukas ng Kuryente: Magpapadala tayo ng mga notipikasyon bago mangyari ang muling pagbubukas ng kuryente. Iinspeksyunin ng mga field crew ang kagamitan upang matukoy kung ligtas nang ibalik ang kuryente.
- Pagbabalik ng Kuryente: Magpapadala tayo ng mga notipikasyon na naibalik na ang kuryente.
- PSPS All Clear: Magpapadala tayo ng mga notipikasyon sa mga customer sa mga circuit na hindi na isinasaalang-alang para sa PSPS.
Pagtatatuwa: Ang mali-mali o biglaang pagsisimula ng mga kondisyon ay maaaring makaapekto sa ating kakayahang magbigay ng paunang abiso sa mga customer. Maaaring magkaroon ng iba pang notipikasyon ayon sa pangangailangan upang mapanatiling may alam ang mga customer.
Paano Ako Makakapaghanda Para sa Mga Kaganapang PSPS?
Magsimulang Magplano Ngayon
Alamin kung paanong mag-ayos ng outage supply kit, ihanda ang inyong tahanan para sa pagkawala ng kuryente sa hinaharap, at manatiling ligtas kapag nawalan ng kuryente.
Umaasa sa kagamitang medikal?
Kung ikaw ay isang Medical Baseline na customer at nakadepende sa medikal na kagamitang pinagagana ng kuryente, kailangan mong planuhin ang pagkakaroon ng backup na mapagkukunan ng kuryente, tulad ng uninterruptible power supply, o backup na lokasyon sakaling mawalan ng kuryente.
Gusto Mo Ba Ng Dagdag Na Impormasyon?
Para sa dagdag na payo at sanggunian sa pagkawala ng kuryente, bisitahin ang:
- PrepareforPowerDown.com
- Mga Ulat sa CPUC tungkol sa PSPS
- Mga Sanggunian para sa Pagkawala ng Kuryente at Pagbawi Mula sa Sunog
Makipag-ugnayan sa Customer Service
Customer Service: 1-800-655-4555
ESPAÑOL: 1-800-441-2233
한국어: 1-800-628-3061
中文: 1-800-843-8343
TIẾNG VIỆT: 1-800-327-3031
Cambodian: 1-800-843-1309
Tawagan ang 1-800-655-4555 para sa customer support sa iba pang wika, kabilang ang Tagalog, Arabic, French, German, Russian, Armenian, Punjabi, Farsi, at Japanese.