What is a Public Safety Power Shutoff?

A Public Safety Power Shutoff (PSPS) is when an electric utility temporarily shuts off power for a period of time to reduce the risk of a wildfire caused by utility equipment. Dangerous fire weather conditions — which include strong winds, dry vegetation and low humidity — drive PSPS events. 

Losing power for any amount of time is a hardship. While it’s frustrating and inconvenient, safety must come first. Our mission is to keep the power on when it is safe to do so.

help icon

PSPS Frequently Asked Questions

PSPS FAQ

Ang mga alerto ay available para kaninuman. Bago ang isang potensyal na PSPS, magpapadala kami ng mga notification sa pamamagitan ng email, text o tawag sa telepono. Mag-sign up o i-update ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa mga alerto sa PSPS sa English o iba pang available na wika. 

Pamahalaan ang mga Babala

4-7 Araw Bago Mangyari

Kapag ang mga forecast ay nagpapahiwatig ng matitinding kondisyon ng sunog, sinisimulan namin ang predictive modeling upang masuri ang potensyal na epekto. Ipinapakita ng aming mapa ng kamalayan sa panahon ang mga county na dapat pagtuunan ng pansin para sa PSPS hanggang pitong araw bago ito mangyari. 

4 na Araw Bago Mangyari

Patuloy naming pinapahusay ang mga predictive na modelo. Ang mga tagatugon sa insidente ay inaalerto. 

Abiso 3 Araw Bago Mangyari 

Kapag inaasahan ang matitinding kondisyon ng sunog, nakikipag-ugnayan kami sa komunidad ng pamamahala sa emergency, mga unang tagatugon at sa lokal na pamahalaan. 

Inaabisuhan namin ang mga posibleng apektadong customer at ipinapakita ang mga apektadong lugar sa Mapa ng Brownout. Ang mga lugar ng PSPS ay ipinapakita gamit ang mga linya na nagpapakita ng mga posibleng apektadong circuit. Hindi lahat ng kaganapan sa PSPS ay maaaring i-forecast nang ganito kalayo sa pangyayari. 

Abiso 2 Araw Bago Mangyari 

Habang nagiging mas tumpak ang forecast, ina-update namin ang listahan ng mga circuit na posibleng maapektuhan. Kung magpapatuloy ang mga kondisyon ng panahon, ang mga apektadong customer at mga partner sa kaligtasan ng publiko ay makakatanggap ng abiso na nagkukumpirma sa kaganapan at oras ng PSPS. 

Abiso 1 Araw Bago Mangyari 

Kapag nalalapit na ang matitinding kondisyon ng sunog, patuloy kaming nakikipag-ugnayan sa komunidad ng pamamahala sa emergency, mga unang tagatugon, lokal na pamahalaan at mga customer tungkol sa posibleng PSPS. 

Abiso 1-4 na Oras Bago ang Pagpatay ng Kuryente 

Kung tinataya namin na ang kuryente ay maaaring patayin sa loob ng isa hanggang apat na oras, isang abiso sa inaasahang pagpatay ng kuryente ang ipapadala sa mga customer, kung maaari. Kapag natanggap na ng mga customer ang abisong ito, maaaring mangyari ang mga pagpatay ng kuryente anumang oras hanggang sa katapusan ng kaganapan sa PSPS. 

Abiso sa Pagpatay ng Kuryente 

Kapag ang bilis ng hangin at ang mga kondisyong nagsasanhi ng sunog ay malapit nang umabot o lumampas sa mga paunang tinukoy na limitasyon, aabisuhan namin ang komunidad ng pamamahala sa emergency, mga unang tagatugon, lokal na pamahalaan at mga customer kapag papatayin na namin ang kuryente. 

Abiso Bago ang Pagpapanumbalik sa Kuryente 

Kapag humupa na ang mga kondisyon ng sunog at hindi na kailangan ng PSPS, susuriin ng mga field crew ang mga linya upang matiyak na ligtas na maibabalik ang kuryente. Aabisuhan ang mga customer kapag nagsisimula na ang mga inspeksyon sa linya. Karaniwang inaabot nang hanggang walong oras bago makumpleto ang mga inspeksyon para sa lahat ng linyang walang kuryente o maaaring abutin pa nang mas matagal kung kinakailangan ng mga patrol na naglalakad o gumagamit ng helikopter na sa araw ito gawin. 

Abiso ng Pagpapanumbalik 

Ang lahat ng customer na naabisuhan tungkol sa PSPS ay makakatanggap ng huling abiso kapag naibalik na ang kanilang kuryente o kapag natapos na ang kaganapan.

Posibleng magkaroon ng ibang notification kung kinakailangan para mapanatiling may alam ang mga customer.

Disclaimer: Maaaring hindi ma-capture ng aming mga paunang forecast ang aktwal na oras ng pagsisimula ng malalakas na hangin o iba pang mapanganib na kondisyong nagsasanhi ng sunog. Sa mga ganitong sitwasyon, maaaring may kaunti o walang abiso bago patayin ang kuryente para sa PSPS. Pagkatapos ng pagpatay ng kuryente, aabisuhan ang mga customer sa lalong madaling panahon at maaari nilang tingnan ang Mapa ng Brownout upang kumpirmahin na ito ay dahil sa PSPS.

Sa panahon ng mapapanganib na kondisyon ng panahong nagsasanhi ng sunog, kapag nag-forecast ng malalakas na hangin, tuyong behetasyon at mababang humidity, sinisimulan naming isaalang-alang ang PSPS. Sa ilalim ng mga ganitong kondisyon, ang isang apoy ay maaaring kumalat nang mabilis, na nagdudulot ng malaking panganib sa kaligtasan. Binabawasan ng PSPS ang panganib na dulot ng hangin na nagiging sanhi ng pagdikit ng mga sanga o iba pang debris sa mga kagamitan sa utility at pagsisimula ng sunog. 

Ang mga desisyon sa PSPS ay batay sa mga real-time na ulat ng panahon mula sa mga pole-top na weather station na nasa o katabi ng mga circuit ng PSPS. Pangunahin naming isinasaalang-alang ang mga salik at kondisyong ito kapag nagdi-deenergize ng isang circuit o bahagi ng circuit: 

  • Malalakas na hangin
  • Napakababang halumigmig
  • Tuyo ang mga halaman na maaaring magsilbing ningas

Gamitin ang aming mga tool sa pagsubaybay sa lagay ng panahon at sunog upang manatiling may alam. 

Ang mga customer na nakatira sa mga lugar na mataas ang panganib na magkasunog ay mas malamang na makaranas ng PSPS. Gayunpaman, ang mga customer na nakatira malapit sa mga lugar na mataas ang panganib na magkasunog ay maaari ding maapektuhan dahil nakakonekta sila sa mga power line na dumadaan o malapit sa mga lugar na mataas ang panganib na magkasunog.

Upang malaman kung ikaw ay nasa lugar na may mataas na panganib ng sunog, ilagay ang iyong address sa aming Mapa ng Brownout at piliin ang filter na “lugar na may mataas na panganib ng sunog.”

Bagama't ang ilang customer ay maaaring hindi nakakaranas ng malalakas na hangin sa kanilang tahanan o negosyo, posibleng sineserbisyuhan sila ng isang circuit na nagsisimula sa o tumatawid sa isang mahangin na lugar na may mataas na panganib ng sunog bago maabot ang kanilang address. Dahil dito, ang isang block o kapitbahayan ay maaaring may kuryente habang ang iba ay wala. Ginagawa namin ang aming makakaya upang mabawasan ang mga epekto ng brownout sa pamamagitan ng pansamantalang paglilipat ng mga kapitbahayan sa mga kalapit na circuit, ngunit hindi ito laging posible. Dagdag pa rito, dahil ang lahat ng circuit ay kailangang biswal na inspeksyunin ng mga crew sa lupa bago ang pagpapanumbalik, hindi lahat ng circuit ay maibabalik nang sabay-sabay.

help icon

Mga Mapagkukunan at Kahandaan Frequently Asked Questions

Mga Mapagkukunan at Kahandaan FAQ

Minsan ang PSPS ay tumatagal nang higit sa 24 na oras. Magkaroon ng planong pang-emerhensiya upang mapanatiling ligtas ang iyong pamilya sa panahon ng anumang pag-brownout. Kasama roon ang isang listahan ng lokasyon ng mga gamit pang-emerhensiya tulad ng mga bote ng tubig, radyo na pinapagana ng mga baterya, mga flashlight, mga first aid kit, dagdag na mga kumot, at mga gumaganang baterya.

Kung ikaw o isang tao sa iyong bahay ay umaasa sa kuryente para sa mga kadahilanang pangkalusugan, maaaring kwalipikado ka para sa aming programang Medical Baseline Allowance.

Sinusuportahan ng SCE ang mga customer sa panahon ng PSPS at iba pang malalaking kaganapan para sa kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng mga Community Resource Center at Community Crew Vehicle. Sa panahon ng PSPS, bisitahin ang Mapa ng Brownout para sa mga lokasyon. Ang mga lokasyon ay karaniwang pino-post hanggang sa isang araw bago ang inaasahang PSPS na brownout. 

Kasama sa mga serbisyo ang impormasyon, kaunting meryenda at mga resiliency kit. Maaaring i-charge ng mga customer ang kanilang mga mobile device at portable na kagamitang medikal. Nag-aalok din kami ng suporta sa wika at tinutulungan ang mga customer na may kapansanan o iba pang pangangailangan sa pag-access at pagkilos.

Upang maging mas handa para sa PSPS at iba pang emergency na brownout, nag-aalok kami ng mga insentibo sa pamamagitan ng Programang Panghimok ng Paglikha ng Sariling Kuryente (Self-Generation Incentive Program, SGIP). Gumagana ang mga sistemang ito bilang mga backup na baterya upang mapagana ang iyong tahanan kapag nagkaroon ng brownout o PSPS.

Ang mga customer na nasa mga lugar na may mataas na panganib ng sunog o iba pang kwalipikadong komunidad ay maaaring maging kwalipikado para sa mga insentibo sa pagiging resilient sa pamamagitan ng SGIP. Ang mga customer na hindi nakatira sa mga lugar na may mataas na panganib ng sunog o iba pang kwalipikadong komunidad ay maaari pa ring mag-apply para sa mga insentibo sa pangkalahatang market ng SGIP. 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Fact Sheet ng SGIP Battery Storage para sa mga Residensyal na Customer

Bisitahin ang SCE Marketplace para sa mga portable na power station at generator. Ang mga portable na power station ay nagbibigay ng backup na kuryente para sa maliliit na device at mga appliance sa bahay tulad ng mga laptop, mobile phone, tablet at ilang internet router. Ang mga portable na generator ay nagbibigay ng backup na kuryente para sa mas malalaking appliance at device sa bahay gaya ng mga refrigerator, ilaw, water pump at pinto ng garahe. 

Makahanap ng mga tip para magamit ang iyong generator nang ligtas.