Ano ang Pagpatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko?

Ang Public Safety Power Shutoff (PSPS) ay kapag pansamantalang pinapatay ng isang electric utility ang kuryente sa loob ng isang yugto ng panahon upang mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng wildfire na dulot ng mga kagamitan ng utility. Ang mapapanganib na kondisyon ng panahon para sa sunog — na kinabibilangan ng malalakas na hangin, tuyong behetasyon at mababang humidity — ay nagsasanhi ng mga kaganapan sa PSPS. 

Napakahirap mawalan ng kuryente kahit na sandali lamang. Bagama't nakakainis ito at nakaka-hassle, dapat unahin ang kaligtasan. Ang aming misyon ay panatilihin ang kuryente kapag ligtas na gawin ito.

Paano Nagliligtas ng Buhay ang PSPS

Kapag tumataas ang panganib ng wildfire dahil sa mapapanganib na kondisyon ng panahon, pinoprotektahan ng PSPS ang mga komunidad. Manatiling handa at may alam sa mga mapagkukunan sa ibaba. 

Kasalukuyang Status ng PSPS

Mga pagpatay ng kuryente na kasalukuyang ipinatutupad o isinasaalang-alang dahil sa mas mataas na panganib ng wildfire:

Kasalukuyang PSPS

Sa 5 milyong customer ng SCE:0

Walang county/customer ang kasalukuyang nakakaranas ng mga pagpapatay ng kuryente.

Isinasaalang-alang ang PSPS

Sa 5 milyong customer ng SCE:0

Walang county/customer ang kasalukuyang isinasaalang-alang para sa mga pagpapatay ng kuryente.

 

Mga Tatandaan:

  1. Regular na nagbabago ang mga kondisyon ng field at panahon at maaaring magkaroon ng pagkaantala sa pag-post ng mga update. Mangyaring bumalik para sa mga update sa mga lugar na kamakailan lamang naapektuhan.
  2. Ang bilang ng costumer ay nakabatay sa mga circuit ng county. Kung ang isang circuit ay lumalampas sa isang county, bibilangin ang mga customer sa bawat county, na nagreresulta sa isang potensyal na kasobrahan sa bilang.