Kumilos na ngayon para maghanda sa mga brownout at emergency — magplano at tipunin ang mahahalagang supply para mapanatiling ligtas ang pamilya mo.
Tiyaking ipakipag-usap at sanayin ang iyong evacuation plan sa mga miyembro ng pamilya, kasama na ang lokasyon ng mga supply na pang-emergency, mga contact at mahahalagang dokumento.
Kasama sa mahahalagang item sa kit para sa paghahanda sa emergency ang de-bateryang radyo, mga gumaganang baterya, mga flashlight, first-aid kit, mga ekstrang kumot, mga pamalit na damit, mga bote ng tubig, pagkaing di-nasisira, mga external na battery pack, at mga portable na charger.
Mag-sign Up para sa Mga Alerto sa Brownout
Makatanggap ng mga email, text, o tawag sa telepono tungkol sa mga brownout sa lugar mo.
Image
Mga Tip
- First aid kit: Maglagay ng mga inireresetang gamot — tingnan ang mga expiration date.
- Medikal na impormasyon: Magsama ng mga kopya ng iyong mga insurance card at medical na impormasyon.
- Mga gamit para sa kalinisan: Mag-empake ng mga gamit na tulad ng hand sanitizer at mamasa-masang maliliit na tuwalya.
- Nakaboteng tubig: Inirerekomenda ng mga eksperto ang isang galon bawat tao bawat araw.
- Mga flashlight at bagong mga baterya: Magkaroon ng mga ekstrang baterya para sa lahat ng kagamitang de-baterya. Itabi ang mga ito sa lugar na madali mong makita.
- Mga pagkaing di-nasisira: Pumili ng mga item na hindi na kailangang iluto o painitin.
- Manual na abrelata: Pumili ng mga ligtas na abrelata na walang matatalim at matutulis na gilid.
- Mga cooler, lagayan ng yelo, at ice pack: Magkaroon ng ilan kung sakaling magkaroon ng mahabang brownout.
- Mga bagay para sa mga espesyal na pangangailangan: Kabilang dito ang mga bagay na para sa mga sanggol, mga nakatatanda, o mga taong may kapansanan.
- De-bateryang radyo o hand-crank radio: Makakabalita ka gamit ang radyo.
- External na rechargeable na battery pack: Gumamit ng baterya para mag-charge ng mga cellphone at iba pang electronic device.
- Mga numero ng telepono: Panatilihin sa malapit ang mahahalagang numero ng telepono (hal., ospital, doktor, mga kamag-anak).
Kung naaangkop
- Para sa maliliit na bata, magsama ng mga nakakaaliw na bagay sa mahahalagang supply sa pangangalaga.
- Para sa mga alagang hayop, magsama ng pagkain, collar na may tag, tali, at carrier o crate.
Iba pang tip
- Regular na suriin at i-update ang mga pang-emergency na supply at stock ng pagkain.
Suporta sa Panahon ng Mga Emergency
Alamin kung anong suporta ang available sa panahon ng mga emergency para maprotektahan ang kaligtasan at kapakanan mo.
Tip at Checklist sa Brownout