Public Safety Power Shutoff [Pagpapatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko] - Maaapektohan ba ako?
Dahil sa humusay ang kalagayan ng panahon pangsunog sa mga lugar na madaling magkasunog, wala na sa kasalukuyan na higit pang mga customer sa aming teritoryo na sinisilbihan na iniisip para sa Public Safety Power Shutoff [pagpatay ng kuryente para sa kaligtasan ng publiko].

Powering Off for Wildfire Safety (Pagpapatay ng Kuryente para sa Kaligtasan kung may Napakalalaking Sunog)
Kung mayroong posibleng mapapanganib na kondisyon ng panahon sa mga lugar na madaling magkaroon ng sunog, maaaring kailanganin nating tmagsaalang-alang ng Public Safety Power Shutoff (PSPS) (Mga Pagpapatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko). Sa panahon ng ganitong kaganapan, agad kaming kikilos upang patayin ang kuryente sa mga lugar na may mataas na panganib na magkasunog upang mabawasan ang banta ng pagkakaroon ng mga napakalalaking sunog. Ang pagpapatay ng kuryente ng aming mga kustomer ay hindi isang bagay na binabasta-basta lamang namin, sapagkat ang pagkakaroon ng kaganapang PSPS ay isa sa mga pamamaraan upang mas matiyak namin ang kaligtasan ng publiko, ng aming mga kustomer, at ng aming mga empleyado.
Manatiling may Kaalaman
Tiyakin na ang impormasyon kung paano kayo makokontak ay wasto at magpalista upang makatanggap ng mga alertong may kaugnayan sa pagkawala ng kuryente.
Paano gumagana ang mga kaganapang PSPS?
Kung sinasabi sa mga pagtataya ng panahon na lumalala ang mga kondisyon ng panahon, sisimulan naming tasahin ang mga posibleng epekto sa mga apektadong lugar. Susuriin namin ang mga datos ayon sa kasaysayan upang makatulong sa paghula kung malamang bang magkaroon ng isang napakalaking sunog, masusing susubaybayan ang mga alertong kaugnay ng kalagayan ng panahon mula sa National Weather Service (NWS), at maglalagay ng mga tutugon sa insidente kapag may alerto, kung kailangan. Pagtatatwa: Ang pabugso-bugso o biglaang pagsisimula ng mga kondisyon ay maaaring maka-apekto sa kakayahan namin na makapagbigay ng paunang pabatid sa mga kustomer.

Unang Notipikasyon: 2 Araw Bago Mangyari
Kung ang mga kondisyon ng panahon ay magbibigay-katuwiran sa isang posibleng PSPS, pasasabihan natin ang mga kustomer na maaaring maapektuhan.

Pangalawang Notipikasyon: 1 Araw Bago Mangyari
Kung magpupursige ang mga kondisyon ng panahon, muli naming pasasabihan ang mga apektadong kustomer.

Pangatlong Notipikasyon: Papatayin ang Kuryente o Power Shutoff
Kung kukumpirmahin ng mga kondisyon ng panahon ang desisyon na putilin ang kuryente, magpapadala kami ng isang notipikasyon sa mga apektadong kustomer.

Pang-apat na Notipikasyon: Kapag Binuksan na Ulit ang Kuryente
Kapag bumalik na sa mas ligtas na kondisyon ang panahon, titiyakin ng mga tauhan namin sa field na ang kuryente ay maaari nang buksan nang ligtas. Magpapadala kami ng notipikasyon na magsasabi sa mga naapektuhang kustomer na binuksan na ulit ang kuryente.
Maaaring magkaroon ng iba pang mga notipikasyon ayon sa pangangailangan upang mapanatiling may kaalaman ang mga kustomer.

Paano ko malalaman kung nakatira ako sa isang lugar na nasa mataas na panganib ng sunog?
Maaaring magsaalang-alang ng isang kaganapang PSPS kung nakatira kayo sa isang lugar na itinuring na isang lugar na may banta ng mataas na panganib ng sunog ayon sa California Public Utilities Commission (CPUC). Lumikha na ang CPUC ng mga mapa upang matulungan kayong malaman kung nakatira kayo sa isa sa mga apektadong lugar na ito.
Mahahanap ang higit pang impormasyon sa website ng CPUC, tungkol kung papaano ginawa ang mga mapa
Paano ako maghahanda para sa mga kaganapang PSPS?
Simulan ang Pagpaplano Ngayon
Alamin kung paano maghahanda ng isang kit ng mga pantustos kapag walang kuryente (outage supply kit), ihanda ang inyong tahanan para sa mga pagpapatay ng kuryente sa hinaharap, at manatiling ligtas kapag nawalan ng kuryente.
Umaasa sa mga kagamitang medikal?
Kung kayo ay isang kustomer na Medical Baseline at umaasa sa mga kagamitang medikal na pinapagana ng kuryente, kailangang magplano kayo upang magkaroon ng isang mapagkukunan ng kuryente kapag walang kuryente (backup power source), tulad ng isang nagtutustos ng kuryente nang tuloy-tuloy, o isang lokasyon na mapupuntahan ninyo kung sakaling mawalan ng kuryente.
Kailangan ng karagdagang impormasyon?
Para sa mga karagdagang tip at mapagkukunan kapag walang kuryente, bisitahin ang PrepareforPowerDown.com.
Customer Service: 1-800-655-4555
ESPAÑOL: 1-800-441-2233
한국어: 1-800-628-3061
中文: 1-800-843-8343
TIẾNG VIỆT: 1-800-327-3031
Cambodian: 1-800-843-1309