Paano pinopondohan ang mga proyekto ng pagbabaon ng kawad sa lupa na ito para mabawasan ang panganib ng wildfire?
Sa kasalukuyan, ang pagpopondo para sa mga proyekto ng naka-target na pagbabaon ng kawad sa lupa para mabawasan ang panganib ng wildfire ay hinihiling bilang bahagi ng proceeding ng Pangkalahatang Rate Case ng SCE na iba sa Rule 20 na mga proyekto ng pagbabaon ng kawad sa lupa, na pinapasimulan ng isang ahensya ng gobyerno (hal., lungsod, county), developer, o indibidwal na customer.
Ano pa ang ginagawa mo para mabawasan ang panganib na magkaroon ng wildfire?
Sa mga sitwasyon kung saan hindi nakabaon sa lupa ang linya ng kuryente, patuloy na itataguyod ng SCE ang iba pang paraan para mabawasan ang panganib, tulad ng pagpapalit sa hubad na kawad ng may cover na conductor. Isa ito sa pinakamahahalagang tool sa mura at mabilis na paraan para mabawasan ang panganib na magkaapoy, lalo na kapag sinamahan ng mga inspeksyon at pamamahala sa halaman. Matuto pa tungkol sa mga pagsisikap ng SCE na mabawasan ang panganib ng wildfire sa sce.com/mitigation.
Aalisin ba ang lahat ng poste at iba pang istruktura?
Bagama't inaalis ng SCE ang mga overhead na linya ng kuryente at mga kagamitan sa kuryente at ibinabaon ang mga iyon sa lupa sa mga target na lugar, posibleng manatili pa rin sa ibabaw ng lupa ang mga linya at asset na pagmamay-ari ng ibang kumpanya (hal. telecommunications, cable, atbp.). Ipapaalam ng SCE ang saklaw ng trabaho sa mga kumpanya ng telecommunications para bigyan sila ng pagkakataong isabay na ibaon ang kanilang mga linya.
Bakit ginagalugad ng SCE ang undergrounding sa aking lugar?
Nagsusumikap ang SCE na isagawa ang undergrounding para mabawasan ang panganib ng mga wildfire at mapataas ang pagiging maaasahan kapag may matitinding kondisyon ng panahon. Natukoy namin ang ilang lugar na may mataas na panganib ng sunog kung saan makabubuting ilipat ang mga power line sa ilalim ng lupa para sa kaligtasan ng publiko kung hindi pa pinatibay ang mga ito ng mga nakatakip na conductor at kapag posible. Maaaring piliin ng SCE na ilagay sa ilalim ng lupa ang mga power line sa mga lugar na nakakatugon sa mga espesipikong pamantayan, kabilang ang mga limitadong daan para sa paglabas at pagpasok sa mga komunidad, matitinding potensyal na kahihinatnan, at iba pang salik. Alamin pa ang tungkol sa undergrounding bilang isang hakbang sa pag-mitigate ng wildfire gamit ang fact sheet na ito..
Mga Community Safety Meeting
Sumali sa mga community wildfire safety meeting ng SCE para manatiling may alam tungkol sa pag-iwas na magka-wildfire, mga safety measure, at pagiging handa sa emergency.
Saan at paano ako makakapag-apply para sa DDAR?
Aplikasyon sa DDAR: Aplikasyon para sa Mga Serbisyo sa May Kapansanan o Umaasa sa Kuryente – Disability Disaster Access & Resources. Ang mga indibidwal na nakakumpleto ng aplikasyon ay kokontakin ng kanilang lokal na DDARC staff at susuriin para sa mga serbisyo sa sakuna at emergency, kasama na ang suporta sa mapagkukunan kapag may brownout dahil sa Pagpatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko (Public Safety Power Shutoff o PSPS).
Mga FAQ sa Extreme Weather
Mga FAQ tungkol sa mga extreme weather outage
Mga Makasaysayang Dokumento ng Wildfire Mitigation Plan
Suriin ang makasaysayang plano sa pagpapagaan ng wildfire ng SCE at mga kaugnay na dokumento upang maunawaan kung paano namin binabawasan ang panganib ng sunog at pinoprotektahan ang iyong komunidad sa buong taon.
Public Safety Power Shutoff (PSPS)
Alamin ang Tungkol sa mga Public Safety Power Shutoff