Maghanda para sa Panahon ng Wildfire
Habang patuloy na nakakaranas ang California ng panahon ng sunog sa buong taon, tinitiyak naming nabibigyan ng kaalaman at naihahanda ang mga komunidad habang ipinatutupad namin ang aming Wildfire Mitigation Plan (Plano Para Mapigilan ang Wildfire).
Mga Community Safety Meeting
Sumali sa aming mga live-stream na meeting para makinig sa mga eksperto sa paghahanda sa emergency, magtanong sa kanila, at malaman kung paano manatiling ligtas. Gagabayan ka namin sa aming Plano para Mapigilan ang Wildfire, ipapaliwanag namin ang mga protocol sa Pagpatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko at magbabahagi kami ng mga tip para matulungan kang maghanda.
Ginaganap ang aming mga meeting sa Microsoft Teams. Ang mga recording mula sa mga nakaraang meeting ay makikita sa Archive ng Community Safety Meeting.
SCE Wildfire Safety Meeting - Las Virgenes Malibu Community
Huwebes, Disyembre 4, 2025 6 p.m. - 7:30 p.m.
Community-Based Organizations Outreach Toolkit
Mahalaga ang ginagampanang papel ng mga Community-Based Organization (CBO) sa pagtulong sa mga komunidad na mabigyan ng kaalaman at maihanda sa mga wildfire. Gamit ang mga materyal ng toolkit, nagiging mas aware ang mga customer ng SCE tungkol sa mga programa at resources na nakakatulong para maiwasan ang mga wildfire at PSPS outage.
Gabay Sa Mapagkukunan ng Komunidad
Determinado kaming maglaan ng iba't ibang opsyon para sa tulong, mula sa mga discount program hanggang sa mga opsyon sa pagbabayad at mga energy management tool, para masigurong natutulungan ang mga customer namin kapag kailangan nila ito at sa paraang kailangan nila.