Mga Umiikot na pagkawala ng kuryente ng CAISO
Bisitahin ang pahina ukol sa kalagayan ng Umiikot na Pagkawala ng Kuryente upang malaman kung wala kayong kuryente dahil sa isang umiikot na pagkawala ng kuryente ng CAISO. Makikita rin niyo ang susunod na mga itinakdang grupo na ipapanawagan para sa isang umiikot na pagkawala ng kuryente ng CAISO.
Ano ang isang Umiikot na Pagkawala ng Kuryente ng CAISO?
Kakailanganin ang mga umiikot na pagkawala ng kuryente ng CAISO (Mga Stage 3≈ Emergency ng CAISO) kapag mas mataas ang paggamit ng kuryente sa state kaysa sa kayang panustusan sa sandaling iyon o hindi na maiiwasan pa. Ang CAISO ay karaniwang mag-uutos sa mga utilidad na pagmamay-ari ng namumuhunan sa state kabilang na ang SCE, na bawasan ang karga ng kuryente sa pamamagitan ng kaagad na pagpapatay ng serbisyo ng kuryente.
Karaniwang tumatagal nang isang oras ang isang umiikot na pagkawala ng kuryente. Pinangangasiwaan namin at pinalilipat-lipat ang mga pagkawala ng kuryente sa buong sinisilbihang pook upang kupkupin ang integridad ng ating sistemang electrical, habang tinatakdaan ang kawalang-ginhawa para sa sinumang customer o alinmang komunidad.
Tumigil ba ng paggana ang inyong AC?
Maaaring namatay ang inyong aircon dahil nakatala kayo sa aming Planong Disk’wento sa Tag-init (Summer Discount Plan).
Sa loob nang higit pa sa 15 taon ay nakapagpanatili kami ng 99.98% na grado ng Pagkamaaasahang Serbisyo para sa aming mga customer. (Tingnan ang mga Taunang Ulat ng Pagkamaaasahan ng Serbisyo ng Kuryente mula sa CPUC). Ang paghuhula ng mga kakailanganing kuryente at ng pagkakaroon ng malilikhang kuryente, sa kabutihan, ay isang pagtatantiya. Mabilis na nagbabago ang mga paghuhula ng Cal-ISO at ang mga kalagayan ng sistema, kaya nagbabago rin ang pangangasiwa namin ng grid ng kuryente sa sandaling iyon. Isinasagawa natin ang lahat na kaya upang panatilihing wasto ang mga naka-paskil na mga impormasyon sa Website na ito.