Alamin at iwasan ang mga karaniwang scam sa utility, kabilang ang mga pekeng tawag, mga scam sa pagbabayad, at pekeng website. Para maprotektahan ang iyong sarili, alamin ang mga tip para mapanatiling ligtas ang iyong personal na impormasyon at kung paano mag-report ng scam.

Image
Your privacy and data

Ang Iyong Privacy at Data

Nakatuon kami sa pagprotekta sa pribadong impormasyon ng iyong account.

Gumagamit kami ng teknolohiya sa proteksyon ng data na pamantayan ng industriya para magprotekta laban sa mga panlabas na banta. Hindi namin ibinebenta o ibinibigay ang iyong impormasyon sa mga hindi naka-affiliate na third party, maliban sa mga limitadong pagkakataon na inilarawan sa aming Abiso sa Privacy. Naglalaman ang bill mo ng personal na impormasyon tulad ng iyong account number, address, paggamit ng enerhiya, at halagang sinisingil. Ang impormasyong ito, kung hindi mapoprotektahan laban sa mga hindi awtorisadong indibidwal, ay maaaring gamitin ng mga scammer para makuha ang access sa iyong SCE My Account o magpanggap na ikaw.

Mga Uri ng Scam

Image
spoofing icon

Pag-spoof

Sa pamamagitan ng pag-spoof ng caller ID, pinapeke ng mga scammer ang display ng caller ID at pinalalabas na parang nagmumula sa SCE ang tawag, o maaari silang gumamit ng pamilyar na area code. Sa maraming sitwasyon, ang “mga spoofer” ay nagpapanggap na mga empleyado o partner ng SCE.

 

Mga Karaniwang Reklamo na Kaugnay ng Mga Na-spoof na Tawag sa Telepono

  • Mga tawag na nagde-demand ng agarang bayad sa telepono.
  • Mga tawag na ginawa sa labas ng mga karaniwang oras ng negosyo (halimbawa, 2 a.m.).
  • Hinihiling sa mga customer na i-disclose ang mga detalye ng account tulad ng impormasyon ng paggamit o meter.
  • Hinihiling sa mga customer na magbigay ng personal na impormasyon, kabilang ang mga social security number, driver’s license, o iba pang impormasyon sa pananalapi.
Image
in-person scam icon

Mga Scam na Harapan

Nangyayari ang mga harapang scam kapag may bumisita sa iyong bahay o negosyo na nagsasabing sila ay kinatawan ng SCE. 

Manatiling mapagbantay at tandaan ang mga sumusunod: 

  • Hindi kami nangongolekta ng mga bayad sa bill o mga kopya ng iyong bill nang personal.
  • Hindi kami nagpapadala ng mga kinatawan ng solar sa iyong tahanan, at wala rin kaming mga kumpanya ng solar na nakikipag-ugnayan sa sinuman sa pamamagitan ng telepono.
  • Humingi ng pagkakakilanlan. Ang mga field representative at contractor ay palaging may dalang opisyal na badge ng SCE o awtorisadong liham. Palaging mag-verify muna bago papasukin ang sinuman sa iyong tahanan o negosyo.
  • Kung hindi ka komportable pagkatapos tingnan ang badge o liham, mangyaring tumawag sa 1-800-655-4555 (i-select ang opsyon 5).
Image
Urgency scam icon

Mga Scam ng Pag-apura

Ang mga scammer ay nagde-demand ng pagbabayad at nagbabanta ng agarang pagdiskonekta. Lumilikha sila ng pakiramdam ng pagkaapurahan para pilitin kang gumawa ng desisyon at i-discourage ka sa pag-verify sa SCE o sa iba pa.

Image
Discount scam icon

Mga Scam sa Diskwento

Sinasabi ng mga scammer na mayroon kang nakaraang dapat bayaran na bill at bibigyan ka ng diskwento kung babayaran mo sila kaagad sa telepono.

Image
Real estate scam icon

Mga Scam sa Real Estate

Nire-request ng mga manloloko sa mga realtor na may mga listahan ng pagbebenta na ipaalam sa kanilang mga seller na mayroon silang hindi totoong overdue na bill sa kuryente. Nagbibigay sila ng pekeng numero ng telepono ng SCE at hinihimok ang customer na magbayad o harapin ang pagdiskonekta.

Image
Fake website icon

Pekeng Website ng Edison

Ang mga manloloko ay gumagamit ng mga pekeng website ng utility na nagta-target sa mga customer na naghahanap kung paano kumonekta sa mga bagong serbisyo sa kuryente o magsagawa ng mga online na pagbabayad.

Image
Prepaid card scam

Mga Prepaid Card

Pinapapunta ka ng mga scammer na bayaran ang iyong bayarin sa isang tindahan sa pamamagitan ng pagbili ng prepaid card. Maaari ka rin nilang utusan na huwag ipaalam sa clerk na ang bayad ay para sa isang utility bill, dahil sinasabi nilang sisingilin ka ng karagdagang bayad.

Image
Barcode scam icon

Panloloko sa Barcode

Pinipilit ka ng mga scammer nang may banta ng nalalapit na pagdiskonekta, at sinasabi nilang mayroon kang hindi pa nababayarang bill. Nagte-text sila sa iyo ng isang prepaid store barcode (hal., Walmart, 7-Eleven, CVS o Walgreens) na nagtuturo sa iyo na magbayad sa pamamagitan ng cash, debit, Bitcoin, o mga prepaid card.

Pangangalaga sa iyong privacy

  • Hinding-hindi kami tatawag para mag-demand ng agarang pagbabayad nang may banta ng pagkadiskonekta ng serbisyo at wala kaming “disconnection department.” Hindi kami tumatanggap ng mga bayad sa pamamagitan ng telepono. Puwede kang magbayad sa pamamagitan ng sce.com/billpay.
  • Hindi kami tumatanggap ng mga pagbabayad sa pamamagitan ng mga app ng pera tulad ng Zelle o Cash App, mga prepaid cash card (hal., MoneyPak, Green Dot, Visa, Mastercard), o cryptocurrency tulad ng Bitcoin.
  • Tumatawag lang kami sa mga oras ng aming negosyo mula 7 a.m. hanggang 9 p.m., maliban sa mga update sa pag-brownout na ni-request ng customer.
  • Huwag kailanman ibigay sa sinuman ang iyong personal na impormasyon, kabilang ang SCE pin code mo.
  • Gumamit ng mga pinagkakatiwalaang website lang at hanapin ang https://sce.com sa URL address para masigurado na ito ang opisyal na website ng SCE.