Nag-aalok ba kayo ng suporta sa mga customer na may mga kapansanan o iba pang pangangailangan sa pag-access at pagkilos?
Nag-aalok kami ng mga resource at suporta para matugunan ang iba't ibang pangangailangan ng aming mga customer kapag may PSPS at iba pang outage emergency.
Nag-aalok ang 211 ng mga libre at kumpidensyal na serbisyo para sa mga customer ng SCE na may mga pangangailangan sa access at pagkilos bago, habang, at pagkatapos ng PSPS o iba pang outage emergency. Ikinokonekta ka ng 211 sa tulong sa komunidad, paghahanda sa emergency, pantry ng pagkain o mga programa sa paghahatid ng pagkain, tuluyan, transportasyon, pampublikong tulong, at iba pang serbisyo. I-dial ang 211 o i-text ang “PREPARE” sa 211-211. Para sa serbisyo ng video relay, i-dial ang 1-866-346-3211.
Tingnan ang mga karagdagang resource para sa mga customer na may mga pangangailangan sa pag-access at pagkilos.