PSPS Alert
Public Safety Power Shutoffs (PSPS) may be necessary to protect communities. See the latest updates.

Mga Alerto para sa ZIP Code tungkol sa PSPS

Tumanggap ng mga alertong PSPS batay sa ZIP code

Magpatala upang makatanggap ng mga alerto mula sa SCE tungkol sa mga kaganapang Pagpapatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko (Public Safety Power Shutoff - PSPS) para sa isang tiyak na ZIP code.

Bakit ako magpapatala para sa mga naturang alerto?

 

Ipababatid sa inyo ng mga alertong ito ang tungkol sa mga posibleng kaganapang PSPS para sa hiniling na ZIP code. Maaaring makatulong ang mga ito kung gusto ninyo na palaging may kabatiran patungkol sa isang ZIP Code bukod pa sa inyong pangunahing tirahan.

Halimbawa, maaaring magpalista kayo para sa ganitong uri ng alerto kung:

  • Ang inyong kasera o ang manager ng ari-arian ang may-ari ng account ng inyong serbisyo ng kuryente.
  • Mayroon kayong isang tagapag-alaga o caretaker para sa isang tao na nangangailangan ng kuryente para sa mga pangangailangang medikal, subalit hindi nyo maaabot ang impormasyon ukol sa kanilang account sa SCE.
  • Kayo o ang inyong organisasyon ay nagkakaloob ng kritikal na pangangalaga o mga serbisyong nakadepende sa kuryente.

Bagaman magpapadala kami ng notipikasyon sa buong apektadong ZIP Code, karaniwang ilang mga kustomer lamang sa loob ng naturang ZIP code ang makakaranas ng isang pagkawala ng kuryente dahil sa isang PSPS. Kung kayo ay isang kustomer ng SCE at gusto ninyong makatanggap ng mga notipikasyon para sa lahat ng pagkawala ng kuryente, kasama ang marami pang mga detalyadong alerto tungkol sa mga kaganapang PSPS, ilagay ang nasapanahong impormasyon tungkol sa notipikasyon na mas gusto ninyo sa inyong My Account.

 


 

 

Image of text message

Expose as Block
No

Magpatala Ngayon

Upang makapagpatala, i-text ang “ENROLL” sa [28954] sa inyong telepono. Tandaan po na may karaniwang bayad ang mensahe at data.

Expose as Block
No
Expose as Block
No

 

Mga Detalye ng Pagpapatala

 

Kapag nagpatala kayo, kinukumpirma ninyo na naiintindihan ninyo ang at sumasang-ayon kayo sa mga sumusunod:

  • Awtorisado kayong ipatala ang numero ng telepono na ibinigay ninyo.
  • Masasapawan ng naturang kahilingan ang mga naunang kahilingang “huwag komontak”.
  • Kailangang magpatala kayo ulit kada anim na buwan at magpahintulot na makatanggap ng mga mensahe sa text ukol sa mga alertong PSPS.

Malapit nang magkaroon ng mga notipikasyon sa pamamagitan ng email at tawag sa telepono.

Tumanggap ng mga Notipikasyon tungkol sa Pagkawala ng Kuryente para sa Inyong Tirahan

Kung mayroon kayong account sa SCE, makakapagpalista kayo para sa mga notipikasyon tungkol sa mga pagkawala ng kuryente na maaaring na maka-apekto nang tiyak sa inyong tirahan, sa halip na sa isang buong ZIP code. Kasama sa mga alertong ito ang mga pagkawala ng kuryente para sa pagmementina at para sa pagkukumpuni pati na ang mga kaganapang PSPS.

Mga Madalas Itanong

Ang uri ng mensahe na inyong tatanggapin ay ibabatay sa impormasyong ibinigay ninyo sa SCE. Kung nagpalista kayo para sa mga notipikasyon sa pamamagitan ng inyong account sa SCE, aabisuhan namin kayo batay sa adres na nasa inyong account, na kaugnay sa tiyak na nagtutustos ng kuryente sa inyong tahanan. Ang mga naturang notipikasyon ay nagbibigay din ng mga mas detalyadong impormasyon tungkol sa kalagayan ng anumang pagkawala ng kuryente na maaaring maka-apekto sa inyong tahanan, hindi lamang sa mga kaganapang PSPS.

Kung magpapatala kayo para sa mga alertong PSPS batay sa ZIP Code, aalertuhin kayo tungkol sa mga kaganapang PSPS na maaaring maka-apekto sa alinmang bahagi ng isang ZIP code. Maaaring may maramihang linya sa isang ZIP code, na nangangahulugan na posible kayong makatanggap ng mga alerto tungkol sa mga kaganapang PSPS na maaaring hindi naman makakaapekto sa adres na inyong sinusubaybayan.

Expose as Block
No

Maaaring alisin na ninyo ang inyong subskripsyon sa mga alertong text na ito tungkol sa PSPS kahit kailan sa pamamagitan ng pag-text ng “STOP” sa [28954].

Expose as Block
No

Mapapamahalaan ninyo ang mga notipikasyon ninyo ukol sa mga pagkamatay ng kuryente sa pamamagitan ng pag-sign-in sa inyong My Account at ilagay dito ang mga pinakahuling impormasyon tungkol sa kung ano ang mas gusto ninyo kaugnay ng inyong mga notipikasyon. Hindi ninyo mapipiling tumanggap o hindi tumanggap ng mga alertong PSPS batay sa isang ZIP code sa pamamagitan ng inyong My Account.

Expose as Block
No