Anong mga mapagkukunan ang available sa panahon ng PSPS at iba pang emergency na pag-brownout?
Sinusuportahan ng SCE ang mga customer kapag may PSPS at iba pang malalaking kaganapan para sa kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng mga Community Resource Center at Community Crew Vehicle. Sa durasyon ng PSPS, bisitahin ang Mapa ng Outage para sa mga lokasyon. Ang mga lokasyon ay karaniwang pino-post hanggang sa isang araw bago ang isang potensyal na PSPS.
Kasama sa mga serbisyo ang updated na impormasyon sa outage, suporta sa pag-enroll sa alerto ng PSPS, pag-charge ng mobile at portable na kagamitang medikal, mga restroom, Wi-Fi, access sa tubig, magagaang meryenda, yelo at mga insulated na cold bag para sa mga gamot at mga resiliency kit. Nag-aalok din kami ng in-language support at nag-a-accommodate ng mga customer na may kapansanan o iba pang pangangailangan sa pag-access at pagkilos kabilang ang mga wheelchair, privacy screen, sensory kit, at mga supply ng pagkain para sa mga service animal.