Emergency Preparedness (Kahandaan para sa Emergency)
Maging Handa para sa mga Posibleng Emergency
Maaaring magkaroon ng emergency anumang oras. Matutulungan ninyo ang inyong pamilya na maging handa para sa sa anumang sitwasyong emergency gamit ang isang planong pangkaligtasan kung may emergency, ilang mga pangunahing supply [pantustos], at maagang pagpaplano, Maging bagyo man, lindol, o baha ang mararanasan natin, makakatulong sa lahat ang kahandaan upang mas maayos na makayanan ito at manatiling mas ligtas.
Ihanda ang Inyong Negosyo
Nagsusumikap kami talaga upang mapigilan ang mga pagpapatay ng kuryente, pero nangyayari pa rin ang mga iyon paminsan-minsan. Kung makakaranas kayo ng isang pagkawala ng kuryente sa inyong negosyo, naririto ang ilan sa mga tip [pabalita] pangkahandaan sa emergency.
Ihanda ang Inyong Bahay
Mapapakinabangan nang husto ang konting pagpaplano at paghahanda at makakatulong sa pagpapanatiling ligtas ang inyong pamilya. Simulang alamin kung paano gagamitin ang mga fuse at breaker box sa inyong bahay, at mamuhunan sa mga kagamitang magpoprotekta laban sa biglang pagtaas ng kuryente o surge protectors upang maprotektahan ang inyong mga elektronikong gamit kung mawawalan ng kuryente. Tiyakin na angkop ang antas ng mga iyon para sa inyong mga elektronikong gamit.
Supply Kit: Anu-ano ang mga Kailangan Ninyo
Panatilihing madaling mabibitbit ang mga pangunahing pangangailangan — mula sa mga resetang gamot hanggang sa mga de-latang pagkain. Ito ang unang hakbang sa kahandaan para sa emergency. Magtago ng mahahalagang supply sa isang madaling puntahang lugar, upang mabilis ninyong makuha ang mga iyon, kahit pa madilim. Naririto ang mga kakailanganin ninyo:
Maging Handa Kung Mawawalan ng Kuryente
Kung mawawalan ng kuryente, palaging maganda na maging handa. Kahit na nawala ng kuryente para sa pagmementina o nawalan ng kuryente dahil sa isang hindi inaasahang bagyo, naririto ang ilang mga tip upang matulungan kayo na maghanda at mabawasan ang epekto hanggang sa bumalik na ang kuryente.
Mas madali ang maghanda para sa isang pagkawala ng kuryente kaysa inyong inaakala. Ang pagtatago ng ilang mga supply at ang maagang pagpaplano ay makakatulong upang mapanatiling kayo ay ligtas at kumportable.
Mga Pagpapatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko (Public Safety Power Shutoffs)
Kung mayroong matitindi at posibleng mapapanganib na kondisyon ng panahon, maaaring kailanganing tumawag kami ng isang kaganapang Pagpapatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko (Public Safety Power Shutoff - PSPS). Sa panahon ng ganitong kaganapan, agad kaming kikilos upang patayin ang kuryente sa mga lugar na may mataas na panganib na magkasunog upang mabawasan ang banta ng pagkakaroon ng mga napakalalaking sunog. Ang pagpapatay ng kuryente ng aming mga kustomer ay hindi isang bagay na binabasta-basta lamang namin, sapagkat ang pagkakaroon ng kaganapang PSPS ay isa sa mga pamamaraan upang mas matiyak namin ang kaligtasan ng publiko, ng aming mga kustomer, at ng aming mga empleyado.
Manatiling nakaaalam tungkol sa mga pangyayaring PSPS at iba pang pagkawalan ng kuryente
Manatiling nakaaalam tungkol sa mga pangyayaring PSPS at iba pang pagkawalan ng kuryente. Pangasiwaan ang mga Pabalita >
Walang SCE account? Maaari pa rin kayong tumanggap ng mga pabalita tungkol sa pangyayaring PSPS-lamang para sa mga tiyak ng (mga) ZIP code.
Ang aming pangunahing kompanya, ang Edison International, ay nakikisosyo sa American Red Cross upang madagdagan ang kahandaan kung may emergency sa buong Katimugang California. Ang aming sama-samang gawain, PrepareSoCal ay tutulong sa pagliligtas ng buhay sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga tao kung paano mananatiling ligtas at paano tutugon kung may mga emergency. HInihikayat namin kayo at ang mga mahal ninyo sa buhay na “Magka-kit. Magplano. Matuto” (“Get a Kit. Make a Plan. Be Informed").