
Mga Mapagkukunan at Suporta upang Matulungan Kayo na Maging Handa para sa Anumang Emergency
Nagbibigay kami ng mga programa at mga pagbabawas sa bayarin [rebate] upang matulungan kayo na makapaghanda para sa mga emergency, tulad ng mga lindol, mga napakalalaking sunog o mga pagkawala ng kuryente, kabilang ang mga Pagpapatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko. Siyasatin ang mga gamiti na ito, mga mapagkukunan at mga programa na nakikinabang sa mga pinakahuling teknolohiya at mga serbisyo.
Mga Diskuwento sa Hotel para sa mga Customer na Nakakaranas ng Pinalawig na Brownout
Maaaring makakuha ng mga espesyal na rate sa mga kalahok na hotel ang mga customer na nakakaranas ng pinalawig na brownout. I-click ang link sa ibaba para makita ang listahan ng mga kalahok na hotel at i-book ang iyong pamamalagi.
Nararapat ayon sa Kita na Malagyan ng Solar
Maaaring maging nararapat kayo para sa isang libreng sistemang solar sa inyong tahanan mula sa aming katuwang, ang GRID Alternatives. Alamin kung paanong makakatulong sa inyo ang programang Abot-kayang Solar para sa mga Tahanang may Isahang Pamilya (Single-family Affordable Solar Homes - SASH), isang programa ng state ng California para sa mga pamilyang may mababang kita o may nakatakdang kita.
Maging handa para sa isang Nabibitbit Pangkuryente
Makakatulong ang isang nabibitbit na pangkuryente na magpagana ng mga maliliit na aparato para sa isang natakdang panahon upang matulungan kayo na maging mas matatag sa isang emergency. Kung bibili kayo ng mga nararapat na modelo, maaari kayong makatanggap ng isang bawas sa presyo (rebate) na $50.
Programang Panghliling Baterya para sa Pangangalagang Kailangang-kailangan
Kung nakatala kayo sa CARE o FERA, nakatira sa isang lugar na nasa mataas na panganib ng sunog, at umaasa sa kailangang-kailangang kagamitang medical na nagliligtas ng buhay, maaaring maging nararapat kayo para sa isang panglutas na nabibitbit na panghaliling baterya na libre para sa inyo.
Umaasa sa kagamitang medical?
Kung umaasa kayo sa isang kagamitang medical na pinapagana ng kuryente, magplano na magkaroon ng pagkukunan ng panghalili sa kuryente kung sakaling mawala ang kuryente. Maaaring maging nararapat kayo para sa programang Medical Baseline ng SCE. Alamin ang higit pa tungkol sa programa at kung paano magpapatala sa sce.com/medicalbaseline.

Makabawi ng Pera para sa Sariling Paglikha ng Kuryente
Nag-aalok ang aming Programang Insentibo para sa Sariling Paglikha ng Kuryente (Self Generation Incentive Program – SGIP) ng isang hanay ng mga ibabawas sa presyo at mga insentibo sa mga karapat-dapat na mga customer na pang-tirahan at pang-negosyo na gustong lumikha ng sarili nilang kuryente. Kung isang customer kayo na nakatira sa isang lugar na nasa mataas na panganib ng sunog, maaari din ninyong samantalahin ang mga insentibong naririto na para sa imbakang baterya.
Mga Kalutasang Microgrid para sa mga Negosyo
I sang paraan ang mga microgrid upang makapagpatuloy ang mga negosyo sa pagtakbo kapag magkakaroon ng mga pagkawala ng kuryente kung mangyayari ang mga kaganapang PSPS. Isang local na grid [magkakakabit] ng kuryente ang microgrid na kayang kumabit o humiwalay mula sa mas malaking grid kung kakailanganin. Sa pakikipagtulungan ng isang tagapagtayo, makakakita kayo ng isang kalutasang microgrid para sa inyong mga pangangailangan.

Humingi ng Personal na Tulong sa Panahon ng isang Pagpapatay ng Kuryente para sa Pampublikong Kaligtasan

Kung mayroong matitindi at posibleng mga mapapanganib na kondisyon ng panahon, maaaring kailanganin naminng manawagan ng isang Pagpapatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko. Ang mga Sentrong Mapagkukunan ng Komunidad at ang mga Sasakyan ng mga Tauhan para sa Komunidad ay maaaring magamit ng mga customer sa apektadong mga lugar. Makakatulong ang mga mapagkukunang ito sa mga customer na makakuha ng mga napapanahong impormasyon tungkol sa pagkawala ng kuryente, magpatala para sa mga alerto, magsapanahon ng impormasyon kung paano sila maaabot at paganahin ang mga sarili nilang bitbit na aparato. Maaabot din ng mga customer ang tubig at simpleng miryenda, at saan mayroon, ng makagamit na mga banyo at Wi-Fi. Susundin ang ligtas na pag-aagwat sa tao.
Maghanap ng mga Pinagaganang Lugar Sa Panahon ng isang Kaganapang PSPS >
Alamin ang higit pa tungkol sa Kaligtasan kung may Napakalalaking Sunog >