In-Person Public Participation Hearings (PPHs) is on 4/10 in Long Beach. Date: Wednesday, April 10, 2024 Time: 2:00 p.m. and 6:00 p.m. Location: Recreation Park Community Center, 4900 E. 7th St., Long Beach, CA 90804.
The previous notice for the in-person SCE Public Participation Hearings before the California Public Utilities Commission for the 2025 General Rate Case (A.23-05-010) had an incorrect date. For complete information click here.
Maging Handa Para Sa Mga Maaaring Emergency
Maging Handa Para Sa Mga Maaaring Emergency
Maaaring mangyari ang isang emergency sa anumang oras. Makakatulong kayo sa inyong pamilya na maging handa para sa anumang kalagayang emergency kung mayroong isang planong kahandaan para sa kaligtasan, pagkakaroon ng ilang mga pangunahing pangtustos o supplies, at paunang pagpaplano. Maging isang bagyo man, isang lindol, o isang napakalaking sunog, o isang baha ang datnan tayo, makakatulong ang kahandaan sa lahat upang mas madaling makayanan o maharap ang mga ito at manatiling mas ligtas.
Kung umaasa kayo sa kagamitang pinapagana ng kuryente, magplano ng isang pang-backup na pagkukunan ng kuryente. Maaaring karapat-dapat kayo para sa programang Medical Baseline ng SCE. Alamin ang tungkol sa programa at kung paano magpapatala sa sce.com/medicalbaseline.
Ihanda Ang Inyong Negosyo
Nagsusumikap kami upang mapigilan ang mga pagkawala ng kuryente, subalit nangyayari talaga ang mga ganito paminsan-minsan. Kung nakakaranas kayo ng isang pagkawala ng kuryente sa inyong negosyo, naririto ang ilang mga tip [payo] pangkahandaan kung may emergency.
Alamin kung paano mag-override o kung paanong manu-manong pagaganahin ang mga pasukang pang-seguridad
Gumawa ng isang plano kung paano magpapatuloy ang negosyo kung saan nakasaad ang mga papel na gagampanan at mga responsibilidad ng empleyado sa panahon ng isang pagkawala ng kuryente
Gumawa ng isang listahan ng pinakamahalagang kagamitan na kailangang patayin kung mawala ang kuryente upang maiwasan ang pagkasira
Pagsumikapang panatilihing ganap na kargado ang mga cell phone sa lahat ng panahon
Kailangang alam-na-alam ninyo ang mga kaha ng utility [palingkurang-baya] (kuryente, tubig at gas) at alamin kung paano pinapatay ang mga ito; panatilihing madaling makuha ang mga angkop na kagamitang kakailanganin
Magtukoy ng isang lugar kung saan magkikita-kita sa labas na lugar kung sakaling kakailanganin ninyo na lumisan
Kung nagpaplano kayong magpatakbo ng isang generator na pang-emergency sa panahon ng anumang pagkawala ng kuryente, mangyaring tawagan kami sa 1-800-990-7788 upang malaman namin ito (makakatulong ito sa amin na mapangalagaan ang aming mga empleyado mula sa isang biglang salungat na pagdaloy ng kuryente)
Kung mayroon kayong isang madaling bitbitin o portable na generator na di-gas, magtukoy ng isang lugar sa labas kung saan magagamit ninyo ito nang ligtas kung mawawalan ng kuryente – huwag itong gagamitin sa loob kahit kailan
Kung wala kayong generator, isaalang-alang ang pagrerenta ng isang madaling bitbitin kung kailangan – mangyaring tandaan, hindi namin isasauli ang ginastos ninyo dito
Ihanda Ang Inyong Tahanan
Makakabuti at makakatulong ang kaunting pagpaplano at paghahanda na mapanatiling ligtas kayo at ang inyong pamilya. Magsimula sa pamamagitan ng pag-alam kung paano ginagamit ang fuse at mga breaker box sa inyong tahanan, at mamuhunan sa mga pampananggalang laban sa biglang pagtaas-baba ng kuryente upang mapangalagaan ang inyong mga elektronikong kagamitan kung mawawalan ng kuryente. Tiyakin na angkop ang pagka-antas ng mga iyon para sa inyong mga elektronikong kagamitan.
Panatilihing nasa tabi lamang ng inyong pangunahing telepono sa tahanan ang mga mahahalagang numero ng telepono (bumbero, paramedics, pulisya, ospital, mga doktor, mga kamag-anak, mga kapit-bahay)
Ilagay ang mga flashlight sa mga lugar na madaling makukuha ang mga ito, tulad ng sa tabi ng telepono sa tahanan
Magkabit ng mga pampanaggalang laban sa biglang pagtaas-baba ng kuryente upang mabantayan ang mga mahahalagang elektronikong kagamitan tulad ng mga computer, at mga sistemang pang-libangan
Kailangang alam-na-alam ninyo ang mga kaha ng utility (kuryente, tubig at gas) at alamin kung paano pinapatay ang mga ito; panatilihing madaling makuha ang mga angkop na kagamitang kakailanganin
Tiyakin na ang inyong pampainit ng tubig o water heater ay nakatukod, naka-anchor, o nakabigkis bilang pagsunod sa batas ng California
Alamin kung paano manu-manong bubuksan ang awtomatikong pintuan ng inyong garahe o ang pasukan ng inyong tahanan kung walang kuryente
Tipunin ang mga mahal ninyo sa buhay sa pana-panahon upang mabalik-aral ninyo ang planong pangkaligtasan ng inyong pamilya, kabilang na ang mga pamamaraan kung paano ninyong haharapin ang mga pangangailangan ng mga sanggol, mga nakatatanda, mga tao na may kapansanan, at mga alagang hayop
Expose as Block
No
Add Horizontal line
Off
Katipunan ng mga Pantustos (Supply Kit): Ano Ang Kailangan Ninyo
Panatilihing madaling makuha ang mga pangunahing pangangailangan — mula sa mga resetang gamot o mga pagkaing de-lata. Ito ang unang hakbang upang maging handa para sa isang emergency. Panatilihing mayroon kayong tustos ng mga mahahalagang bagay na nasa isang lugar na madaling puntahan, upang madali ninyong makuha ang mga iyon, kahit pa madilim. Naririto ang inyong mga kakailanganin:
Kit para sa paunang lunas (first aid) kasama ang mga gamot ng inyong pamilya (palagiang tingnan upang matiyak na hindi pa paso o expired ang mga iyon)
Mga bagay-bagay para sa mga tanging pangangailangan ng mga sanggol, mga nakatatanda, at mga miyembro ng pamilya na may kapansanan
Mga radyong di-baterya upang marinig ang mga balita
Mga ekstrang baterya
Tubig sa bote – kahit man lamang isang gallon kada tao para sa bawat araw
Mga pagkaing hindi nasisira na hindi na kailangan pang lutuin
Pambukas ng de-lata
Mga cooler at lagayan ng yelo
Pang-landline na telepono na may-kordon (hindi walang kordon)
Flashlight
Maging Handa Para Sa Mga Pagkawala Ng Kuryente
Kung mawawalan ng kurynete, palaging maganda na maging handa. Maging ang pagkawala mang ito ng kuryente ay para sa pagkukumpuni o isang pagkawala ng kuryente dahil sa isang hindi inaasahang bagyo, naririto ang ilang mga tip upang matulungan kayo na makapaghanda at mabawasan ang epekto hanggang sa magkaroon na ulit ng kuryente.
Mas madali kaysa sa inyong inaakala ang paghahanda para sa isang pagkawala ng kuryente. Makakatulong sa inyo ang pag-iipon ng ilang mga pangtustos at ang maagang pagpaplano na manatiling ligtas at kumportable.
Mga Pagpapatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko
Kung mayroong matitindi at posibleng mapapanganib na sunog dahil sa kondisyon ng panahon, maaaring kailanganing mag-atas kami ng isang kaganapang Pagpapatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko (Public Safety Power Shutoff - PSPS). Sa panahon ng mga kaganapang ito, maaari naming patayin ang kuryente bilang pagtugon sa isang pangangailangan sa mga lugar na may mataas na panganib ng sunog upang mabawasan ang banta ng mga napakalalaking sunog. Ang pagpapatay ng kuryente ng aming mga customer ay hindi isang bagay na minamaliit lamang namin, subalit ang mga kaganapang PSPS ay isa sa mga paraan upang lalo pa naming matiyak ang kaligtasan ng publiko, ng aming mga customer, at ng aming mga empleyado.
Ang aming pangunahing kompanya, ang Edison International, ay nakikibakas sa American Red Cross upang madagdagan ang kahandaan kung may emergency sa buong Katimugang California. Tutulong ang aming pinagsama-samang pagsusumikap, ang PrepareSoCal sa pagliligtas ng mga buhay sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga tao kung paano mananatiling ligtas at kung paano tutugon kung may mga emergency. Hinihikayat namin kayo pati na ang mga mahal ninyo sa buhay na “Magkaroon ng Kit. Magplano. Matuto.” (“Get a Kit. Make a Plan. Be Informed.")
Tumanggap ng mga Babala tungkol sa Pagkawala ng Kuryente
Magpatala o mag-update ng inyong impormasyon pampag-ugnayan upang makakuha ng mga email o text tungkol sa pagkawala ng kuryente sa mga lugar na malapit sa inyo, kabilang ang PSPS.