4-7 Araw Bago Mangyari
Kung tinatayang magkakaroon ng matitinding sunog, magsisimula ang SCE ng isang pagtatantiya ng mga modelo upang matasa ang posibleng epekto.
4 na Araw Bago Mangyari
Susubaybayan ng SCE ang mga alertong may kaugnayan sa kondisyon ng sunog mula sa National Weather Service (NWS) at ipagpapatuloy ang pagsusuri ng mga tinatantiyang modelo. Maglalagay ng mga tutugon sa insidente kapag inalerto.
2 Araw Bago Mangyari
Tinatantiyang magkakaroon ng napakatitinding sunog. Makikipag-ugnayan sa komunidad na mangangasiwa ng emergency, uunahin ang mga unang tutugon at ang lokal na pamahalaan. Sisimulan ang mga notipikasyon para sa mga kustomer kaugnay ng pagkakaroon ng posibleng PSPS.
1 Araw Bago Mangyari
Malamang na mangyayari na agad ang matitinding sunog; ipagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan sa komunidad na mangangasiwa ng emergency, mga unang tutugon, lokal na pamahalaan, at mga kustomer kaugnay ng pagkakaroon ng posibleng PSPS.
Magpapadala ng pangalawang notipikasyon sa mga kustomer.
Habang Nagaganap: Patay Ang Kuryente
Patutunayan ng mga tauhan sa field na may nagaganap na matitinding sunog, pasasabihan ang komunidad na mangangasiwa ng emergency, mga unang tutugon, lokal na pamahalaan, at mga kustomer na patayin ang kuryente. Tandaan na ang pabugso-bugso o biglaang pagsisimula ng mga kondisyon ay maaaring maka-apekto sa kakayahan naming makapagbigay sa mga kustomer ng paunang pabatid.
Magpapadala ng pangatlong notipikasyon sa mga kustomer.
Pagkatapos: Bubuksan Na Ang Kuryente
Bumalik na sa mga ligtas na antas ang kondisyon ng sunog; ang mga tauhan sa field ay magsasagawa ng mga pag-iinspeksyon at pagpapatrol ng mga kagamitan, pagkatapos ay bubuksan na ang kuryente sa mga apektadong lugar; magpapadala ng notipikasyon sa mga naapektuhang partido.
Magpapadala ng pang-apat na notipikasyon sa mga kustomer.